Aso na Kakamatay pa Lamang ng Amo, Humihingi ng Tulong Para sa Kanyang Gamutan

Kamakailan lang, isang totoong kwento ng wagas na pagmamahal ng isang tao sa kanyang alagang aso ang nagpaantig sa mga netizen. Parehong nakipaglaban ang mga ito sa karamdaman ngunit, sa kasamaang palad ay pumanaw na ang amo nito.

Sa Barangay Sum-ag, Bacolod City, pumanaw na noong Disyembre ng nakaraang taon si Joven Delos Santos matapos nitong makipaglaban sa isang karamdaman. Dahil sa intestinal complications ay naiwan na nito ang kanyang nga mahal sa buhay kabilang na ang kanyang alagang aso na si Sean.

Ngunit, gaya ni Joven ay nakikipaglaban din sa sakit si Sean. Mayroon itong fat cancer o tumor kaya nasa panganib din ang buhay nito kagaya ng kanyang amo. 

Pinilit umano ni Joven na gumaling mula sa kanyang sakit ngunit, sa kasamaang palad ay hindi nito kinaya. Gayunpaman, bago ito pumanaw ay mayroon itong isang importanteng bilin sa kanyang pamilya. Ito ay ang alagaan at subukan na ipagamot ang kanyang alagang aso.

Ayon sa nakababatang kapatid ni Joven na si Cristel, nabubuhay pa lamang umano ang kanyang kuya ay mas gusto na nito na mas pangalagaan si Sean kaysa sa kanyang sarili. Kaya naman, bilang pagtugon sa kagustuhan ng kapatid ay gagawin nila ang lahat para gumaling ang alaga nito.

“This was kuya's plan when he was still alive, to prioritize his dog's condition rather than the pain he was enduring,” saad pa ni Cristel.

Ngunit, bilang breadwinner ng pamilya nila si Joven, ang gagastusin para sa gamutan ng aso nito ay isang pagsubok para sa kanila. Kaya naman, para dito ay naisipan nila na ibenta ang koleksyon ni Joven ng mga National Geographic magazine sa halagang Php50. Ang malilikom mula rito ay kanilang gagamitin para sa pagpapagamot at pagpapagaling ni Sean.

Sasailalim umano si Sean sa operasyon at chemotherapy kaya hindi biro ang gagastusing pera rito. Ngunit, para sa kapatid ay gagawin nila ang lahat para gumaling si Sean.


“We are knocking to everyone's heart to help us for the medication of Sean. It's for the memory of our late kuya and to continue the love he had shown to his pet-bestfriend… 

“Sean is a kind and loving dog and can surely brighten your day. Help us extend his purpose,” ani pa ulit ni Cristel.

Para naman sa mga nais na magpaabot ng tulong, anumang halaga ay malaking tulong na para sa kanila. 

Para sa mga ipapadalang donasyon para kay Sean, maaari nilang tawagan o padalhan ng mensahe ang numerong 09487973470. Pwede rin umano silang makipag-ugnayan kay Cristel sa Facebook account nito na Cristel Mar Delos Santos.

Pwede rin itong ipadala via Gcash o Paymaya sa account ng pangalang Joey Delos Santos na may numerong 09487973470.

Para naman sa mga nais magdeposito ay pwede nilang ipadala ang kanilang tulong sa pamamagitan ng BDO bank deposit sa account name na Joey J. Delos Santos at account number na 0104-9018-7293. 

Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ang pamilya ni Joven sa mga nagpaabot ng tulong para sa gamutan ng alaga nitong si Sean.

Source: facebook


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments