Naiintriga ngayon ang marami tungkol sa ibinahaging isang insidente ni Ivana Alawi kung saan, sinigawan umano ito at ipinahiya ng isang batikang TV host ng ABS-CBN sa harapan pa ng maraming artista.
Ayon kay Ivana, bagama't nakamove on na raw siya sa naturang pangyayari, ito raw ang isang beses na hindi niya makakalimutan sa pagsisimula niya sa showbiz. Ayon pa kay Ivana, bata pa lamang daw kasi siya ay napapanood at humahanga na siya sa naturang host kaya tumatak talaga ang pangyayaring ito sa kanya.
Pagkukwento ni Ivana, nangyari umano ito noong ginagawa niya pa ang seryeng 'Sino ang Maysala?: Mea Culpa' ng ABS-CBN.
“Nandu'n ako sa Sino ang May Sala, 'tapos nagkaroon ako ng parang guesting, doon 'yun sa may ABS. Nagti-taping, 'tapos nakaupo lang ako sa dressing room. Marami kami doon, kasi parang sama-sama kami sa dressing room na 'yon…
“So, yung kasama kong PA [personal assistant] lumabas siya, kasi hindi na siya kasya du'n sa dressing room namin. And kailangan lagi siyang malapit sa akin kasi, siyempre, kapag may kailangan ako, kapag magbibihis, 'yung mga ganu'n… Lumabas siya 'tapos may nakita siyang upuan doon sa labas.
“Nagpaalam naman siya du'n sa tao sa loob. Sabi niya, 'Pwede bang makiupo lang…' para malapit siya sa akin. As in tapat lang kasi siya. So, sabi nu'ng tao, 'Oo naman. Sige, upo ka.' So, umupo lang siya du'n…
“Hindi pa kami nagsisimula nito, so nag-antay lang ako doon. Nakaupo ako du'n," kwento pa ng vlogger at sexy star.
Matapos nito ay nagulat na lamang umano ang aktres nang sumugod sa kanya ang kilalang host na ito at pinagsisigawan siya nang hindi niya alam ang dahilan.
“Biglang may sumugod na batikang host and then sumugod siya.
“Nu'ng nakita ko, parang napangiti ako. 'Tapos parang pinagsisigawan niya ako du'n sa dressing room, sa harap ng ibang artista. Parang sabi ko, 'Hala!'
“Sabi niya, 'You, why are you…. your person is in my room, ha! Bawal kayong pumasok sa dressing room ko. Bastos!' Ang dami niyang sinabi.
“Tapos parang naaalala ko 'yung reaction ko noon, 'Sorry po, sorry po.' As in sorry ako nang sorry,” paglalahad pa ulit nito.
Sobrang napahiya daw si Ivana sa insidente lalo na't sa harap pa umano ito ng ibang mga artista nangyari. Hindi nga raw nito napigilan na maiyak at napatawag na lamang sa mama nito.
“Tapos sobrang naano kasi parang sa harap ng ibang artists. Sobrang pinapahiya ako, as in…
“Ako 'yung inaway and then, hiyang-hiya ako noon. Umiyak ako, 'tapos tumawag ako kay Mama,” kwento pa nga nito.
Ayon kay Ivana, hindi niya raw kasi maintindihan kung bakit siya sinugod ng naturang host. Hindi niya rin umano maintindihan kung bakit kailangan pa siya nitong pagalitan at sigawan sa harap mismo ng iba kung pwede naman umano na sabihin niya ito ng maayos sa kanya.
Gayunpaman, nakamove on na umano si Ivana sa naturang pangyayari. Ngunit, mas pinili nito na huwag nang pangalanan pa ang tinutukoy niyang host. Ang tanging clue lamang na ibinigay nito ay nagsisimula raw ang pangalan ng naturang host sa letrang 'M'.
Source: Kiat Media
0 Comments