Lalaking Susurpresahin Sana ang Kanyang GF, Nasurpresa Nang Mahuli Itong Kayakap Ang Ibang Lalaki

Sa China, isang lalaki ang nakatakda sanang isurpresa ang kanyang girlfriend kaya bumyahe ito ng layong 2,400 kilometro para lamang makita ang mahal. Ngunit, hindi nito inaasahan ang kanyang matutuklasan na tatapos sa kanilang relasyon.

Kamakailan lang ay unang naging trending sa Twitter ang tungkol sa isang lalaking ito na bumyahe ng malayo para isurpresa ang kanyang girlfriend para sa isang espesyal na okasyon. Ayon sa mga netizen, nangyari umano ito sa China at unang naibahagi sa social media site na Weibo.

Sa mga larawan, makikitang nakabihis pa ang lalaki bilang isang mascot at pinuntahanan ang kanyang girlfriend. Hindi nito alintana ng mahigit sa 2,400 na umano’y binyahe nito para lamang makita ang girlfriend. Ngunit, laking gulat na lamang nito nang makita ang huli na mayroong kayakap na ibang lalaki.

Habang nasa isang kalye at sa harap ng isang tindahan, nakita nito ang isang lalaki na nakayakap sa likod ng kanyang girlfriend. Hindi maikakaila na mayroong relasyon ang dalawa dahil sa kanilang ikinikilos. Dahil sa pagkagulat at hindi ito makapaniwala sa kanyang nakita, tinanggal nito ang kanyang suot na mascot sa ulo at tinitigan ang dalawa.

Marahil, dahil naramdaman nito na mayroong tumititig sa kanila, nakita na sa wakas ng babae ang kanyang boyfriend at nagulat din ito sa pangyayari. Agad itong bumitiw sa lalaking nakayakap sa kanya at hinabol ang totoong boyfriend.

Ngunit, agad din na umalis ang lalaki at muling isinuot ang mascot na costume para marahil ay itago ang sakit ba nararamdaman. Hinabol ito ng girlfriend at niyakap ngunit hindi ito nagpatinag at nagpadala sa pagmamakaawa ng girlfriend.


Hindi naman malinaw kung ano ang sumunod na nangyari sa dalawa ngunit, base sa huling larawan ay pinanindigan ng lalaki ang kanyang pagkabigla at galit sa kanyang nasaksihan at hindi ito nagpatinag sa paghabol ng girlfriend.

Agad naman na naging trending ang mga larawan ng pangyayari kaya marami ang nakarandam ng simpatiya sa lalaki at sa ginawa rito ng kanyang girlfriend.

Ayon sa nagbahagi ng naturang pangyayari, nasa isang LDR o Long Distance Relationship umano ang dalawa kaya ganoon na lamang ang effort ng lalaki na puntahan ang kanyang girlfriend. Kaya naman, ang mahuli nito ang kanyang pagtataksil ay napakasakit dito na ramdam din ng maraming mga netizen.

Agad na naging viral ang nasabing Twitter post tungkol dito at umani ng iba’t-ibang mga reaksyon mula sa nga netizen. Ayon naman sa karamihan sa mga ito, sana raw ay huwag nang balikan ng naturang lalaki ang girlfriend nito dahil sa ginawa niya ritong pananakit. Mag-move on na lamang umano ito at humanap ng tao na magmamahal dito ng tapat.

Hindi madali ang sakit na naramdaman ng lalaki sa natuklasan nito tungkol sa girlfriend kaya sana naman umano ay maging aral ito sa marami at maging matapat sa kanilang mga karelasyon. Kung hindi na ito masaya, makipaghiwalay ng maayos at huwag humantong sa pananakit sa karelasyon tulad ng pagtataksil dahil hindi biro ang sakit na dulot nito gaya na lamang ng naranasan dito ng naturang lalaki.

Source: rachfeed

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments