Isang ‘Bato’ sa South Cotabato, Hinahalikan daw ng mga Single Upang Magkaroon ng Jowa

Dalawa lamang sina John Mark Española at Glenox Sabacan sa mga umano’y magpapatunay na totoo umano na matapos nilang humalik sa batong ito sa South Cotabato, nakahanap agad sila ng taong magmamahal sa kanila.

Sa Lake Holon sa T’Boli, Saouth Cotabato, isang malaking batong tinatawag na ‘kissing stone’ ang pinaniniwalaan ng marami na nakapagbibigay umano ng jowa sa mga single na taong naghahanap ng makakarelasyon matapos nilang humalik sa batong ito. 

Ang kwentong ito tungkol sa naturang bato ay kilala lalo na sa mga bumibisita sa Lake Holon. Ayon pa nga kay John Mark, wala naman umanong mawawala kung susubukan kaya nang minsang nagpunta ito roon ay humalik din ito sa kissing stone.

Nang mga panahong iyon ay apat na taon nang single si John Mark kaya nakaramdam na rin umano ito ng pagod. Aniya nga, ‘jowang jowa’ na raw siya nang panahon na humalik siya sa kissing stone.

“Siguro ang term po noon is ‘jowang jowa na’... It was an outreach climb po sa isang community doon sa Lake Holon. Alam na namin ‘yung story ng bato. Wala namang mawawala if tatry kong kumiss din,” saad pa nga nito.

Isang linggo lamang matapos itong humalik sa kissing stone ay nakilala na raw agad ni John Mark ang babaeng mamahalin nito at magmamahal sa kanya. Sa ngayon, dalawang taon lang naman na ang tagal ng kanilang relasyon. 

“After ng pagkiss ko doon sa bato, parang naging instant lahat,” ani pa nga ni John Mark tungkol sa naturang bato.


Samantala, sinubukan na umano lahat ni Glenox ang mga paraan upang makamove-on mula sa pagkakasawi ng kanyang puso sa nakaraan nitong karelasyon. Dalawang taon na umanong sawi si Glenox kaya lahat na ng bakasyon at pamamasyal ay ginawa nito. Ngunit, lahat umano ng ginawa nito ay wala man lang naging epekto sa kaya.

Hanggang sa mapunta umano siya sa Lake Holon at nalaman ang tungkol sa malaking bato roon. Pagkukwento pa nga nito,

“Ginawa ko na ‘yung kagaya sa movies. Iyong bida, nagbabakasyon, pumupunta sa ibang lugar, tumatambay sa beach para makamove on, makahanap ng the one. Pero sa akin, lahat failed…

“Pag-akyat ko ng Lake Holon, ininvite ako ng kabigan ko. Naisip ko, first time kong mgtrekking so why not. Baka ito na ‘yung sign para makamove on ako.”

Tatlong buwan lamang mula nang humalik siya sa naturang bato ay natagpuan na umano ni Glenox ang bagong lalaking magmamahal sa kanya. Sa katunayan, apat na taon na ngayon ang kanilang relasyon nito. Kaya naman, naniniwala si Glenox na totoo ang kwento tungkol sa kissing stone.

“Siguro sa part ko, naniniwala ako kasi ‘yun nga, parang nagkatotoo ‘yung sabi-sabi na ‘pag nagkiss ka dun sa bato, makakahanap ka ng the one mo,” saad pa nga nito.

Sina Glenox at John Mark ay dalawa lamang umano sa mga makapagpapatotoo na totoo ang kissing stone. Kaya naman, gaya nga ng sinabi ni John Mark, wala naman umanong mawawala kung sumubok din na humalik dito ang mga taong single at naghahanap ngayon ng magiging karelasyon.

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments