Isang babala ang iniwan ng isang netizen mula Davao nang makaranas ito ng isang aksidente dahil sa mga binili nitong balloon para sa kaarawan ng kanyang anak. Imbes kasi na helium ang ginamit sa pagpapalobo ng mga ito, hydrogen pala umano ang ginamit ng shop kaya nagresulta ito sa isang aksidente na buti na lamang ay walang seryosong nasaktan.
Sa Facebook, noong una ay nagdalawang isip pa umano si Tina tungkol sa pagbabahagi ng naturang pangyayari ngunit, upang makapagbigay na rin ng babala at kaalaman ay minabuti nitong ilahad ang tungkol sa nangyari.
Pagbabaagi pa nito,
“A few days ago, my son celebrated his 7th birthday. To surprise him, I ordered an elaborate balloon arrangement from this popular party supplies shop. The balloon bouquet was nicely done and we were happy with the order. Probably like most people, we kept the arrangement for a few days and planned to dispose of the balloons once they begin to shrivel.”
Dahil sa pag-aakalang helium ang ginamit sa naturang mga lobo at ligtas lamang ang mga ito ay pinaglaruan umano ang mga ito ng kanyang mga anak gaya na lamang ng paghahagis nito na parang isang bola.
Ngunit, nang minsang dalhin umano ng kanyang anak ang balloon sa kwarto nito, nagulat na lamang sila nang makarinig ng malakas na pagsabog. Kwento pa tungkol dito ni Tina,
“My son took it with him to the bedroom because he wanted to pee and suddenly we heard a LOUD explosion and the force rocked our house. We even saw a bit of spark/fire along with the boom.
“We rushed to check on him and bits of balloon skins were everywhere. Some got stuck on the ceiling and some melted on the floor tiles. Miraculously they missed my son’s eyes and face and the only injury he got was a bit of burn on his forearm from the melted balloon skin that landed on him. Thank God for protecting my son!”
Agad umano na nagtaka ang netizen kung bakit ito nangyari gayong helium naman umano ang ginamit sa mga lobo at hindi ito sumasabog. Kaya naman, agad daw silang naghinala na imbes na helium ay hydrogen ang ginamit dito. Di hamak na mas mura kasi ito kaysa helium ngunit, delikado itong gamitin.
Dahil dito ay agad niya na tinanong ang seller ng naturang mga balloon at nakumpirma nga nito na hydrogen ang ginamit. Humingi ang mga ito ng tawad kay Tina at sinabing nakalimutan umano nilang maglagay ng sticker o babala tungkol sa hydrogen na ginamit.
“I messaged the seller and informed them what happened. They apologized sincerely and admitted to using hydrogen right away saying their staff forgot to put a warning sticker daw. This is too dangerous and not many people know this…
“I am not here to shame the balloon seller. I will not bother to mention the shop as they are just doing business. I just want people to be more aware and to be more careful. Never allow your kids to play with balloons that float especially if you are not sure if it’s hydrogen or not… However innocent looking those balloons are, we don’t know what kind of gas they used to inflate it.
“Praying that this won’t happen to anybody else,” dagdag ani pa ng netizen sa kanyang post.
Source: Kiat Media
0 Comments