Sa bansang Uganda, labintatlong taong gulang lamang noon si Mariam Nabatanzi nang ibenta siya ng kanyang mga magulang para maipakasal sa isang lalaki na 27 taong gulang ang tanda sa kanya. Isang taon makalipas nito, nagsilang si Mariam ng isang kambal.
Pagkatapos nito ay nagkasunod-sunod na ang panganaganak ni Mariam hanggang sa umabot na nga sa 44 ang bilang ng kanyang anak sa eddad lamang na 36. Anim sa mga ito ay kambal, apat ay triplets, tatlo ang quadruplets, at dalawa lamang ang mag-isa nitong isinilang. Ngunit, anim sa mga anak niyang ito ang pumanaw.
Hindi rin naging madali para kay Mariam ang kanyang buhay mag-asawa dahil bukod sa hindi nito palaging kasama ang kanyang mister, madalas ay binubugbog pa siya nito. Hanggang sa tatlong taon lamang ang nakakaraan, iniwan siya ng mister kaya mag-isa na lamang ngayong tinataguyod ni Mariam ang 38 na anak.
“My husband had many children from his past relationships and I had to take care of them because their mothers were scattered all over. He was also violent and would beat me at any opportunity he got, even when I suggested an idea that he didn’t like,” ani pa nito.
Sa bansang Uganda, normal lamang ang pagkakaroon ng maraming anak ngunit, kahit sa kanilang bansa ay maituturing pa rin na masyadong marami ang anak ni Mariam. Kaya naman, noong umabot na sa 23 ang bilang ng kanyang mga anak ay komunsulta na si Mariam sa idang doktor.
Dito, napag-alaman na si Mariam ay mayroon umanong ‘high ovary count’ kaya napakadali at madalas itong magbuntis. Ngunit, ang anumang gawing paglulunas o birth control kay Mariam ay makakasama lamang umano dito dahil nga sa kakaibang kondisyon ng kanyang obaryo.
“Her case is genetic predisposition to hyper-ovulate, which is releasing multiple eggs in one cycle, which significantly increases the chance of having multiples; it is always genetic,” ani pa rito ng doktor na tumingin sa kanya.
Dahil sa pagiging isang single mother sa 38 nitong anak, lahat na halos ng klase ng trabaho ay pinasukan na ni Mariam. Buong buhay nito ay iginugugol sa pag-aalaga ng kanyang 38 anak na kasama nito sa maliit na bahay.
“I have grown up in tears, my man has passed me through a lot of suffering… All my time has been spent looking after my children and working to earn some money,” pagbabahagi pa nito.
Gayunpaman, hindi kailanman itinuring ni Mariam na pabigat ang kanyang mga anak dahil para rito, ang kanyang mga anak ay biyaya sa kanya ng Panginoon. Kaya naman, ginagawa nito ang lahat upang maalagaan at mapag-aral ang mga ito at matupad ang kanilang mga pangarap. Ani pa nga ni Mariam tungkol dito,
“I am hopeful that my children will go to school because they all have big ambitions of being doctors, teachers, and lawyers. I want them to achieve these dreams, something I was not able to do…
“I know these children are a gift from God that I have to treasure, so I try my best to fend for them.”
Source: Kiat Media
0 Comments