Kasong Rap3 ng Dating Aktor na si Dennis da Silva, Wala Raw Katotohanan Ayon Mismo sa Biktima

Matapos ang halos 19 na taon mula nang maisampa ang kasong ‘r@pe’ sa dating aktor na si Dennis da Silva, sa programa ni Raffy Tulfo ay lumapit ang biktima ng aktor na si Kadean Paz at ibinunyag  na walang katotohanan ang naturang akusasyon.

“Iyon pong part na ‘yun (rape), hindi po totoo ‘yun… Iyong mga authorities, ‘yung mga tao po maliban nalang sa akin ‘yung nag-input na iyon ‘yung ginawa, iyon ‘yung nangyari…,” pagbubunyag ni Paz.

Taong 2002 noon nang makasuhan ng r@pe at child abuse ang dating aktor dahil sa umano’y panggagahasa nito sa noon ay 14 taong gulang pa lamang na si Paz, anak ng kinakasama dati ni da Silva. Dahil dito kaya nakulong ang aktor at nahatulan ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkakakulong.

Sa paglitaw ngayon ni Paz, sinasabi nito na alam nilang dalawa ni da Silva ang katotohanan na walang nangyaring r@pe. Ngunit, dahil umano sa mga tao sa kanyang paligid kaya naidiin sa kaso ang aktor.

“Sabihin na nating bata ako n’un, 14 years old, pero I think I was capable enough to think if… what’s forced and what’s not.  It wasn’t happened by force…

“Some of the statements or testimony na in-ano sakin sa court, parang it was… parang ini-exagg. It was fabricated. Hindi lahat totoo,” ani pa tungkol dito ni Paz.

Mula nang maisampa ang naturang kaso kay da Silva, ilang beses na raw sinubukan ni Paz na ilabas ang katotohanan pero maraming tao umano ang pumigil sa kanya dahil sa iba’t-ibang mga kadahilanan. Dahil sa kaso kaya napasailalim siya ng pangangalaga ng DSWD at maging ang mga ito ay pinayuhan din si Paz na panindigan umano ang kaso.

Ayon kay Paz, nakaramdam umano ito ng pressure kahit na noong una pa man ay sinabi na nito na ayaw na niyang ituloy ang kaso. Ayon sa mga awtoridad at mga tao sa kanyang paligid, masyado raw maraming mga ‘consequence’ sa kanyang panig kapag inurong nito ang kaso kaya idiniin ng mga ito sa kanya na panindigan ang akusasyon kay da Silva kahit alam niyang wala naman umano talagang katotohanan ang kaso.

Gusto umano ni Paz na makamit ang ‘right justice’ na hindi umano nito nakuha nang maconvict si da Silva dahil alam niya na walang katotohanan ang kaso. Mayroong isang anak sina Paz at da Silva na ngayon ay 18 taong gulang na. 

“Iba po kasi ang pakiramdam, eh, kapag naka-tag ka sa ganoong pangyayari na alam mong hindi totoo…

“Noon pa man po ay gusto ko nang i-retract. Di nila ako pinapansin. Parang matapos po ‘yung part ko sa pagbibigay ng statement po and all, wala na akong update na nakuha, wala ng anything. Sa tuwing magtatanong ako sa kanila, wala…

“Pakiramdam ko, ano eh, parang nagamit ako. Parang nasakyan lang ‘yung pangyayari noon,” saad pa ni Paz.

Ngunit, kahit sa pag-aming ito ni Paz, ayon kay Atty. Gareth Tungol ay malabo na umanong mabuksan ang kaso dahil bukod sa case closed na ito ay convicted na rin si da Silva. Ang tanging pag-asa na lamang umano ni Paz ay ang umapela sa Pangulo upang mabigyan ng pardon ang dating aktor.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments