Helicopter ng Philippine Air Force, Bumagsak sa Bukidnon; 7 Sakay Nito, Patay!

Nito lamang Sabado, ika-16 ng Enero, 2021, iniulat ng Philippine Air Force na bumagsak o nag-crash ang isa sa kanilang Bell UH-1H na helicopter sa Brgy. Bulunay, Impasugong, Bukidnon bandang alas 2:22 ng hapon. 

Walang nakaligtas sa pagbagsak ng helicopter. Patay lahat ng pitong sakay nito na kinabibilangan ng apat na aircrew at tatlong pasahero. 

“Wala pong survivor. Medyo mataas po ang pagbagsak,” pagkukumpirma pa rito ni Major Rodulfo Cordero, Public Affairs chief ng 4th Infantry Division ng Philippine Army. 

Ayon sa ulat, ang bumagsak na helicopter ay isa sa dalawang UH-1H na helicopter na nakatakda sanang maghatid ng mga supply sa 8th Brigade patrol base ng Philippine Army.

Ayon kay Cordero, nakaranas ng ‘engine trouble’ ang bumagsak na helicopter ilang minuto bago ang pag-crash nito sa mga kabundukang bahagi ng bayan ng Impasugong sa Malaybalay, Bukidnon. Sinubukan pa umano ng piloto nito na kontrolin ang helicopter ngunit, bumagsak na ito.

“The pilot made sure they would not crash-land on a group of houses, hence they ended up in the ricefield,” ani pa tungkol dito ni Maj. Gen. Andres Centino, commander ng 4th Infantry Division ng Philippine Army.

Agad naman na nagpunta sa binagsakan ng helicopter ang mga sundalo ng 8th Infantry Batallion upang hanapin ang mga sakay ng bumagsak na chopper. Samantala, singuro naman ng Philippine Air Force na agad nilang iimbestigahan ang tungkol sa insidente.

“Na-recover na po ang mga labi. Nasa punerarya na po sila ngayon sa Malaybalay,” ani pa ulit ni Cordero.

Siniguro rin ng Philippine Air Force na makakatanggap ng finacial aid at necessary assistance ang mga pamilyang naiwan ng mga nasawi sa pagbagsak ng naturang helicopter.

“The PAF assures the public, that all of its air assets, including the UH-1H, undergo strict, regular, and redundant maintenance inspections before and after flight missions… 

“The men and women of the Philippine Air Force, led by the Commanding General [Lieutenant General Allen Paredes] deeply grieves and extends the Command's sympathies to the families of the brave heroes who have offered their lives in the line of duty,” saad naman ng Philippine Air Force sa isang opisyal na pahayag.

Ikinalungkot naman ng marami ang balitang ito lalo na para sa mga sundalong nasawi sa pangyayari. Pansin ng mga ito, mukhang napapadalas na umano ang mga aksidenteng katulad nito kaya sana raw ay bilhan na ng mga mas bago at modernong helicopter ng pamahalaan ang mga sundalo.

Heto nga ilan sa mga ibinahaging opinyon ng mga netizen tungkol sa pangyayari:

“Yung mga lumang helicopter, dapat di na gingamit para sa safety ng mga sasakay dito. May mga bago naman na combat helicopter, dapat ‘yun na ang gamitin niyo pra sigurado. Condolence po sa lahat ng family ng mga nasawi.”

“Very need talaga na maging modern and brand new ang mga military equipment natin kagaya nitong helicopter… Masyadong luma na. Condolence sa mga family na namatayan. Condolence”

“Napaka-luluma na. Minsan bagong bili daw.pero dekadang pinaglumaan na ng ibang bansa. Tsk tsk. Sayang mga sundalo, doon lang pala mamamatay.”

“Kung sino pa ‘yung naglilingkod ng tunay, sila pa ‘yung nawala. Kung hindi nakukurakot ang pondo, sigurado, moderno at mga bago ang gamit ng ating mga sundalo. Rest in Peace.”

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments