Jomari Yllana, Hindi Raw Ginagampanan ng Maayos ang Pagsuporta sa Kanyang mga Anak

Mabigat at diretsahan ang ibinahaging pahayag ng dating partner ng aktor at pulitikong si Jomari Yllana na si Joy Reyes tungkol sa umano’y hindi maayos na pagganap ni Yllana ng kanyang mga responsibilidad sa kanilang mga anak.

Ayon sa isang Facebook post ni Reyes, dahil sa halos isang taon na hindi umano pagbabayad ng aktor ng kanilang bayarin sa kuryente ay naputulan na umano sila kaya ngayon ay nagtitiis sa dilim at pawis ang kanilang mga anak.

“Our electric service from Meralco is DISCONNECTED TODAY! Obviously, our bill has been neglected for several months… almost a year for it to reach this massive amount… 

“But the terrible part of this gross, gross negligence is a father's  apathy towards his own children. That is totally sickening!” saad pa rito ni Reyes.

Diretsahan niya ritong pingalanan ang aktor na umano’y hindi na niya makausap sa anumang paraan ng komunikasyon. Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post, ayon kay Reyes ay nais niya umanong maipaabot sa aktor ang kalagayan ngayon ng mga anak nito kung saan, ang isa ay dumaranas pa ng lagnat.

“Since he blocked all means of communication, to those who know this guy, Kindly  inform this "Honorable"  COUNCILOR of District 1 PARANAQUE JOMARI YLLANA that his children are sweating in the dark  & this is making it worse for Fangio who's been having fever for a few days now. 

“So many other issues of abuse that I'm trying so hard not to mind for the time being but directly harming the babies this way can't be tolerated… So the least you can do is to STOP causing further trouble to the only parent doing it all!” ani pa ni Reyes.

Samantala, naging viral at agad na dumami ang mga nagshare ng Facebook post na ito ni Reyes at animo’y nakarating nga sa aktor ang tungkol dito. Sa isa sa mga nagshare nito, nag-iwan umano ng komento si Yllana kung saan, animo’y kinontra nito ang mga pahayag ng dating partner.

“Sana ginagamit din ang isip paminsan minsan. Nakapagpost sa FB, nakapag picture sa cellphone. May charge ang cellphone at may internet. Oh di ba naputulan ng kuryente pero nakapagpost at may internet. Sana ol,” sagot pa dito ni Yllana.

Kaya naman, dahil dito ay muling naglabas ng pahayag si Reyes at kinwestyon din ang naging sagot na ito ni Yllana sa kanyang panawagan. Ayon dito, hindi raw siya makapaniwala sa isinaad ni Yllana umano’y isang pagtatangka na ilihis ang katotohanan.

Mabibigat ang mga iniwang pahayag dito ni Reyes at igniit nito na sa kabila ng kanyang panawagan ay hindi pa rin nagbabayad ng kanilang bayarin sa kuryente si Yllana.

“A concerned citizen sent me this and I'm absolutely lost for words... I don't wanna say I'm stupefied for the stupidity but I really can't think of subtle words to appropriately describe it… 

“The pathetic attempt to again discredit the truth really has its boomerang effect… Oh boy! For your own sake, Just stfu and focus on solving the problem you created in the first place,” pahayag pa ulit ni Reyes para kay Yllana.

Source: philstar


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments