Sa pagbubunyag nina Joem Bascon at Meryll Soriano tungkol sa kanilang relasyon at sa pagkakaroon nila ng anak, nadadawit sa usapan ng marami ang dating karelasyon ng aktor sa loob ng walong taon na si Crisha Uy.
Kaya naman, kamakailan lang at sa pamamagitan ng isang vlog, inilabas ni Crisha ang kanyang saloobin at reaksyon tungkol sa pagbubunyag na ito ng aktor. Ayon kay Crisha, bago pa man umano ianunsyo nina Joem at Meryll ang kanilang pagbabalikan at pagkakaroon ng baby ay matagal na itong alam ng vlogger.
“So, yes. Alam ko na ‘yung totoo. Alam ko ‘yung relationship nila, their bundle of blessing, long way before pa noong na-upload ‘yan,” saad pa ni Crisha.
Bagama’t naka-move on na ito sa relasyon niya sa aktor, nakaramdam pa rin umano ng sakit si Crisha nang malaman ang tungkol dito na animo’y isa umanong sampal sa mukha dahil napatunayan umano nito ang matagal niya nang hinala.
“When I was reading the article, ‘yung naramdaman ko that day was nagalit ako. Nagalit ako kasi bumalik ‘yung feelings ko na I was betrayed all over again. Iba pala ‘yung feeling na nakita mo versus kinwento lang sa’yo…
“Finally, na-confirm ko na nagsinungaling talaga siya noon. That I was lied to…,” ani pa rito ni Crisha.
Nang pumutok ang tungkol sa anunsyong to nina Meryll at Joem, agad na naging trending din muli ang ginawang emoyonal na rebelasyon noon ni Crisha tungkol sa dahilan noon ng hiwalayan nila ni Joem. Sa isa ring vlog noon, isinaad nito kung gaano siya nasaktan sa pagtatapos ng kanilang walong taong relasyon dahil na-fell out of love dito ang aktor.
Kaya naman, ayon ngayon kay Crisha, tama pala umano ang lahat ng kanyang naging hinala noon. Ani pa nito,
“Kasi I gave them the benefit of the doubt, eh, before. Pero ‘yun nga, sampal pala sa mukha nung nakita ko ‘yun. Sampal sa mukha na tama pala ang hinala ko noon na na, ‘Finally, girl! Confirmed,’ ganun! Ganoon ‘yung feeling.”
Isa rin sa mga tanong na sinagot ni Crisha sa vlog na ito ay tungkol sa hindi raw nila pagkakaroon ng anak o pamilya ni Joem sa loob ng walong taon nilang relasyon. Ayon kay Crisha, plano daw nila dati ng ex-boyfriend na magpakasal muna ngunit, nagpapasalamat na rin siya ngayon na hindi ito nangyari.
“That time, it was not on our minds. Siguro kasi, we’re not with the right person… We’re planning to get married tapos tsaka na kami magka-family. Pero, ‘yun nga, I thank God na hindi natuloy ‘yun kasi we are not really meant to be…,” saad pa ni Crisha.
Bago naman matapos ang vlog niyang ito, nagbigay pa ng pahayag si Crish tungkol sa umano’y kahalagahan ng honesty o pagiging matapat sa isang relasyon. Pagbabahagi pa nito,
“I guess, the greatest takeaway sa lahat ng ito, including the recent, [ay] ang importance ng honesty. Dapat honesty shouldn’t be only sa ligawan stage, during the relationship or inlove kayo sa isa’t isa. Dapat honest din kayo kahit sa failure sa isang relationship, kahit sa breakup stage, kahit masakit…
“Kasi if may honesty, may maiiwan na respeto sa isa’t-isa.”
Source: Kiat Media
0 Comments