Bangkay ng Isang Lalaki sa India, Dinala sa Bangko sa Upang Makapag-Withdraw ng Pera

Sa bansang India, isang bangkay ng lalaki ang dinala ng mga kapitbahay nito sa bangko upang ma-withdraw ang pera ng namayapang lalaki na gagamitin nila sa pagpapalibing dito.

Ayon sa isang ulat, nitong Martes, ika-5 ng Enero, 2021, ay pumanaw ang 55 taong gulang na si Mahesh Yadav sa tahanan nito sa isang village sa easter state ng Bihar sa India. Sa Yadav ay isa umanong laborer na dumanas ng isang sakit sa loob ng mahabang panahon. Ito umano ang dahilan ng pagpanaw nito.

Ilang oras umano matapos itong pumanaw ay natagpuan ng mga kapitbahay nito ang kanyang walang buhay na katawan. Matapos nito ay hinalughog ng mga ito ang bahay ni Yadav para maghanap ng pera na gagamitin sana sa mga gastusin sa pagpapalibing nito.

Ngunit, wala umanong mahanap ang naturang mga kapitbahay ni Yadav. Wala rin daw itong pagmamay-aring lupa kaya wala rin silang maaaring ibenta. Ngunit, natagpuan naman ng mga ito ang isang passbook ni Yadav kung saan, makikita na mayroon itong iniwang pera sa bangko.

Laman umano ng savings account ni Yadav ang $1,600 na pera kaya naman, upang mawithdraw ang pera upang gamitin sa pagpapalibing ng mga labi ni Yadav ay dinala nila ang bangkay nito sa bangko.

Kinarga ng magkakapitbahay ang bangkay ni Yadav sa bangko dala-dala ang passbook nito at idenemanda sa manager ng bangko na ibigay sa kanila ang pera ng pumanaw na lalaki. Ani umano ng mga ito, hindi raw sila aalis sa bangko hangga’t hindi naibibigay sa kanila ang lamang pera ng bank account ni Yadav.

Kaya naman, ayon sa local police officer ng lugar na si Amrendar Kumar, napilitan umano ang bangko at ang branch manager nito na si Sanjeev Kumar na ilabas ang pera ni Yadav sa mga nagpupumilit nitong mga kapitbahay.

“Villagers demanded the bank gave them money from his account for the cremation or else they would not cremate him… 

“It put pressure on the bank, which finally released some money following the intervention of the local police station,” pahayag pa nga tungkol dito ng pulis.

Ito umano ang unang pagkakataon na mayroong nangyaring ganito sa naturang bangko kaya naman, nagdulot dito ng pagkalito ang pangyayari. Gayunpaman, naibigay rin ng mga ito sa naturang magkakapitbahay ang kanilang hinihingi.

“It was the first such case… After over an hour, I gave them money ($135) and they finally left the bank with his body for the cremation ground,” saad naman ng branch manager ng bangko.

Samantala, ayon sa mga kapitbahay ni Yadav, bago ito pumanaw ay sila umano ang nagbibigay o nag-aabot ng pagkain dito at iba pang mga pangangailangan ni Yadav. Ayon pa nga sa isa nitong kapitbahay na si Shakuntala Devi, wala umanong ibang nagbabantay rito kahit ilang buwan na nitong iniinda ang dinaranas na karamdaman.

“There was no-one to look after him although he had been ailing for months. We used to provide him cooked food and other things,” pagbabahagi pa nga ni Devi.

Source: ABS CBN

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments