Hindi pa rin tinatantanan ng mga pambabatikos at bashers ang aktor na si Derek Ramsay lalo na sa kanyang mga post sa Instagram. Kaugnay nito, kamakailan lang ay isa na namang paratang ang ibinato sa aktor na agad lang din nitong denedma.
Dito, isang netizen ang sinabihan si Derek na isa umano itong bakla. Ang naturang komento o paratang sa aktor ay nagsimua nang ikompara ito ng isang basher kay BB Gndanghari na kilala dati bilang ang aktor na si Rustom Padilla.
“Ganyan nagsimula si Rustom tapos naging mas maganda na sya kaya natuluyan hahaha,” saad pa nga ng basher.
Ngunit, imbes na magpaapekto ay tinawanan na lamang ng aktor ang iniwang komento na ito ng naturang basher. Simpleng sinagot niya lamang ito ng mga natatawang emoji.
Ngunit, hindi pa rito natatapos ang pag-atake kay Derek ng iba pang mga basher. Sa parehong komento ay isang basher ulit ang diretsahang sinabihan ang aktor na maging ‘bakla’ na lamang umano ito. Hindi pa ito nakontento at minura pa ang nananahimik na si Derek.
“Magbakla ka nalang tang1n@mo!!!!” ani pa nito kay Derek.
Muli, kalmado lamang ang aktor sa pagsagot sa basher. Imbes na magalit dito ay kalmadong binati na lamang ni Derek ang bastos na basher ng masayang bagong taon. Ngunit, hindi pa ulit nakontento ang basher at dumagdag pa ito sa maraming bilang ng mga basher na sinisisi si Derek sa hiwalayan nito sa aktres na si Andrea Torres.
“Paksh3t ka! Galit ako sayu iniwan mo si andrea…” saad pa ulit nito sa aktor.
Bilang sagot naman ay pinayuhan na lamang ni Derek ang nasabing basher na huwag na lamang siyang i-follow sa Instagram lalo na’t pambabash lamang ang kaya nitong gawin. Ani pa nga ni Derek sa naturang basher,
“Ok bro… Unfollow na lang pls.”
Hindi ito ang unang beses na denedma lamang ni Derek ang mga pambabash sa kanya ng mga netizen lalo na ang pambabatikos na umano’y isa itong bakla kaya sila naghiwalay ng Kapuso actress na si Andrea.
Minsan, nagbahagi pa nga si Derek ng isang larawan nito na walang damit na pang-itaas. Ang caption naman nito sa naturang larawan ay mukhang isang nakakatawang sagot nito para sa mga taong ipinipilit na ‘bakla’ umano siya.
“Labas na lang natin ang galit sa bortawan!!! #echoslang,” ani pa rito ni Derek.
Mula nang maisapubliko ang hiwalayan nito kay Andrea noong Nobyembre ng nakaraang taon, hindi na tinigilan pa ng mga basher si Derek. Karamihan sa mga ito ay sinisisi ang aktor dahil ito umano ang dahilan kaya naghiwalay sila ng dating girlfriend.
Bagama’t walang malinaw na dahilan o opisyal na anunsyo tungkol sa kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, ayon kay Derek ay wala umanong dapat na sisihin sa nangyari dahil ani nito,
“Maybe two people are just not meant to be…”
Ayon naman kay Andrea, mas gusto niya umano na ‘wag nang isapubliko kung anuman ang dahilan ng kanilang hiwalayan at maging pribadong bagay na lamang ang tungkol sa naturang pangyayari sa kanila ng dating nobyo.
Source: KAMI
Source: Kiat Media
0 Comments