Bago mailibing sa General Santos City ang mga labi ng namayapang Flight Attendant na si Christine Dacera, nagsagawa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng ikalawang autopsiya sa bangkay nito noong ika-9 ng Enero, 2021.
Ayon sa ulat, kahit na-embalsamo na ang katawan ni Dacera bago paman isagawa rito ang unang autopsiya, sa pangalawang autopsiya na isinagawa rito ng NBI ay nakakuha umano ang mga ito ng urine sample mula sa labi Dacera.
“I was informed that the NBI was able to extract about 100 (milliliters) of urine from the subject’s body. It could provide a lot of information to the forensic team.
“The results of the laboratory examination may come out in a few days.,” pahayag pa nga ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra.
Dagdag ani pa Guevarra, malaki umano ang maitutulong ng urine sample na ito ni Dacera sa imbestigasyon ng NBI sa kaso nito. Maliban dito, ayon naman kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin ay mayroon pa silang ibang sample na nakuha kay Dacera na masasabi nitong ‘very encouraging’ na mga ebidensya.
“Although the human body of Dacera had been compromised, most of the pieces of the organs are contaminated due to embalming, but we have encouraging results,” ani pa ni Lavin.
Ngunit, sa kabila nito ay mayroon namang pagdududa o kalituhan ang publiko kung paanong nangyari na mayroon pang nakuhang urine sample sa labi ni Dacera. Sa unang autopsiya na isinagawa sa pumanaw na flight attendant, lumabas na ‘ruptured aortic aneurysm’ ang naging sanhi ng kanyang pagpanaw.
Ngunit, hindi umano kumbinsido rito ang pamilya ni Dacera at iginigiit din ng awtoridad na mayroong rape-slay na naganap dito. Samantala, base sa kumakalat na kopya umano ng resulta ng naunang autopsiya rito, makikita na nakasaad daw dito na ‘urinary bladder is empty’ kaya mayroong pagtataka sa naging resulta ng ikalawang autopsiya kung saan, mayroon pa umanong urine sample na nakuha ang NBI sa labi Dacera.
Sa isang ulat nga na inilabas ng ABS-CBN, tanong ngayon ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun ay kung alin sa dalawang autopsiya ang nagsasabi ng totoo gayong hindi magkatugma ang resulta ng mga ito.
“Multimillion-peso question: why no urine in PNP report yet NBI found some. How was first exam done, labanan ng documentation who’s telling the truth. If first autopsy faked bladder findings, everything in the report (and every report this doctor did in the past) is suspect,” saad pa ni Fortun.
Samantala, bagama’t hangad din ng marami ang katotohanan sa pagkamatay ni Dacera at hustisya para rito kung totoo mang mayroong naganap na krimen, ani ng mga ito ay masyado na umanong tinututukan ng mga awtoridad ang kasong ito ni Dacera kaya mukhang natatabunan na umano nito ang iba pang mga isyu na dapat ay kinakaharap din nila.
Ani ng mga ito, sana ay pagtuunan din ng pansin ng mga awtoridad ang iba pang mga importanteng krimen na naganap gaya na lamang ng pagkamatay ng mag-inang Gregorio sa Tarlac na binaril ng isang pulis at ang kaso ng umano’y pagnanakaw ng Php15 bilyon sa PhilHealth.
Source:PEP
Source: Kiat Media
0 Comments