Dahil sa pagiging masinop, pagkakaroon ng disiplina sa sarili, at pagsisikap na makaipon ay maipatatayo na sa wakas ng mag-asawang sina Kember Flores Casabuena at Alphie Castante ang ikalawang palapag ng pinapangarap nilang bahay.
Bilang isang maybahay si Kember at construction worker naman ang mister nito, maliit lamang ang kanilang kinikita kaya isang matinding pagdidisiplina talaga sa sarili ang kinakailangan upang mapagtagumpayan nila ang pag-iipon.
Mula sa araw-araw na pagtatabi ng Php50 sa loob ng isang taon, masasabi ng dalawa na ang pera na naabot ng kanilang naipon ay ang pinakamalaking halaga ng pera na nahawakan nilang mag-asawa. Kaya naman, sa pagpapagawa ng ikalawang palapag ng kanilang dream house inilaan ng mga ito ang kanilang naipon.
“Naka-ipon po kami ng 5-digit na pera at meron na kaming pangpa-second floor ng bahay namin. Di man siya kalakihan pero sa buong buhay ko, ngayon lang po ako makakahawak ng ganito kalaking PERA na pinaghirapan naming mag-asawa, at hindi galing sa madaling paraan,” saad pa nga ni Kember.
Noong una, ayaw pa umano ng mister nito na gumawa siya ng ‘ipon challenge’ gaya ng napanood niya sa telebisyon. Ngunit, nang makita umano nito ang kanyang pagpupursige at disiplina sa pagtatabi ng Php50 araw-araw, na-enggayo niya na rin umano ito na samahan siya sa pag-iipon.
Sa simula ay sa kahon lamang umano ng sapatos inilalagay nina Kember ang kanilang tig-singkwentang ipon. Ngunit, dahil habang tumatagal ay hindi na nagkasya rito ang kanilang ipon kaya inilipat nila ito sa isang balde.
Dahil nga wala silang pampagawa ng pangarap nilang bahay dahil sa liit ng kanilang kita, ang pag-iipon ang kanilang naisipang solusyon. Bago ang pandemya, sisimulan na umano sana nina Kember ang konstruksyon ng ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Ngunit, dahil nga apektado rin ang kanilang trabaho, ipinagpaliban muna nila ito sa pangamba na rin na baka maubusan sila ng ipon. Bagama’t dahil rin sa pandemya ay nabawasan nila ang natura nilang ipon, masayang ibinahagi ng mga ito na naibalik at muli na nilang nabuo ang inipong pera para sa kanilang bahay.
“Shinare ko po ito hindi para mag-yabang. Gusto ko lang po ishare sa ibang hindi nakakaipon kahit na ok naman ang kinikita. Disiplina lang po sa sarili at pananalig sa itaas na tuloy-tuloy ang biyaya at huwag din po ubos biyaya…
“‘Nung time po na ‘yan, pa-extra extra lang po ang asawa ko as Tiles Setter. Opo, malaki nga po ang kinikita pero hindi naman siya tuloy tuloy. Minsan walang trabaho, walang kita, at wala din po akong trabaho ‘nung mga oras na ‘yan. At nag-uupa pa po kami ng bahay n’yan sa Maynila.
“Pero kinaya po namin. Nabawasan namin ang mga LUHO dahil may pinag-iipunan po kami'. Masarap sa pakiramdam na kahit papaano ay may naitatabi kang pera,” dagdag saad pa ni Kember.
Kaya naman, ang disiplinang ito ng mag-asawa sa pag-iipon ay labis na hinangaan ng marami sa social media. Ang mga ito ay isang magandang halimbawa na kung gugustuhin at sasamahan lamang ng pagpupursige at disiplina, makakapag-ipon ng sinuman at matutupad ang anumang gusto nito.
Source: facebook
Source: Kiat Media
0 Comments