Basketball Player na Kabilang sa ‘Persons of Interest’ sa Kaso ni Dacera, Kilalanin!

Sa patuloy na imbestigasyon sa kaso ng pumanaw na flight attendant sa Makati City nitong bagong taon, lumantad na rin ang mga itunuturing ding ‘Persons of Interest’ na naka-check in sa kabilang kwarto sa hotel na pinuntahan din ng pumanaw na si Christine Dacera.

Isa sa mga ito ay ang basketball player na si Justin Rieta. Sa pagpunta nito sa National Bureau of Investigation (NBI) kasama ang 11 iba pa na nakasama niya rin sa Room 2207, isinaad ni Rieta na wala itong kakilala sa mga naroroon sa Room 2209, ang kwarto sa City Gardens Hotel sa Makati kung saan nagcheck-in si Dacera at mga kaibigan nito.

Nakisaya lang din si Rieta sa pagdiriwang na iyon ng bagong taon at wala siyang kakilala sa mga nasa kabilang kwarto kung saan naroon sina Dacera. Ilang beses naman nakita sa CCTV na pabalik-balik si Dacera mula sa Room 2209 papuntang Room 2207 ngunit, ayon kay Rieta ay wala naman umano itong napansing kakaiba kay Dacera.

“Hindi ko po kilala ‘yung kabilang room [Room 2209]. Wala po akong kilala sa kanila,” saad pa nga nito.

Samantala, sa paglantad na ito ni Rieta, marami ang agad na nagsaliksik kung sino ang basketball player na ito at sa maaaring kinalaman niya sa kaso ng pumanaw na flight attendant.

Base sa artikulo na inilabas ng Spin.ph, bago pa man ito mag-aral sa Polytechnic University of the Philippines ay minsan umanong sumubok si Rieta na mag-try out para sa National Univeristy Bulldogs noong panahon ng coach na si Eric Altamirano.

Mabait naman kung ilarawan si Rieta ng kanyang mga kaibigan na mas piniling huwag magpakilala noong nakapanayam ito ng Spin.ph. Ani ng mga ito, kahit isang manlalaro ng basketball ay bihira umano itong umangal sa court.

“Mabait na tao yan. Hindi dahil sa kilala ko siya, pero walang angal yan sa court,” saad pa nga ng naturang kaibigan nito.

Dagdag pahayag pa nga ng naturang kaibigan nito na nakasama rin umano ni Rieta sa ilang mga liga na sinalihan nito, madalas umano ay nakatuon lamang sa paglalaro ng basketball si Rieta kung saan, sa isang araw ay umaabot pa nga umano sa limang beses kung maglaro ito ng naturang sport.

“Legit na ball is life yan. Sa isang araw, lalo na kapag mga Sundays, apat o limang laro ang pinupuntahan at lalaruan niya,” pahayag pa nito tungkol kay Rieta.

Hindi man gaanong kilala sa mundo ng basketball si Rieta, ilang liga rin ang sinalihan nito kung saan, naging key player pa ang atleta. Bago ang pandemya, huling liga umano na sinalihan nito ay ang RE League sa Quezon City Basketball League (QCBL) noong taong 2019. Bahagi si Rieta ng CAL Autoworks kung saan, isa ito sa mga nagsilbing key players ng kupunan.

Sa paglantad naman na ito ni Rieta para sa kaso ni Dacera, inaasahan na uusad na ng mabilis ang kaso at tuluyan nang mabibigyang linaw kung ano ang katotohanan sa pagpanaw ng flight attendant na si Dacera.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments