Ilang beses mang ma-ban at masuspende sa social media, patuloy pa rin ang vlogger na si Jam Magno sa tahasang paghahayag ng kanyang pagkondena sa maling gawain ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army (CPP-NPA).
Kamakailan lang, isa na namang video nito ang naging viral kung saan, mapapanood ang pagkondena ni Magno sa gawain umano ng CPP-NPA na pag-iwan sa katawan ng kanilang mga napatay na kasapi, bata man o matanda, sa mga engkwentro nila sa hukbo ng gobyerno.
Ang tahasang paghahayag ni Magno ng tungkol dito ay bahagi ng kanya ring mariing pagkondena sa pagre-recruit ng CPP-NPA sa mga kabataan at mga indigenous people na sumapi sa kanilang grupo.
“Did you know that if you support the communist and become a member of the CPP-NPA terrorist and fight in the mountains, but once you get shot and die, did you know that your comrades will leave you alone? You are gonna be left alone by the people who recruited you…
“Isn't it great? They recruit you and take you away from your family but they don't even have the decency to return your dead body. Just in case you didn't know that,” paghahayag pa ng vlogger.
Dagdag ani pa ni Magno, imbes na ang mga miyembro rin ng CPP-NPA ang dapat na kumuha sa katawan ng kanilang mga napaslang na kasama, ang militar pa umano ang gumagawa nito at naghahatid sa mga katawan sa kanilang mga pamilya.
Patuloy din ang paggamit ni Magno ng kanyang tinig sa paghahayag ng mga maling gawa hindi lamang ng CPP-NPA kundi pati na rin ng National Democratic Front o NDF.
“It is a basic right to live a long life, but then again the CPP-NPA-NDF uses young rebel warriors to fight their war without proper training and to fight the actual combatants that need to protect the land,” ani pa ulit nito.
Isa umanong malaking paglabag sa human rights o karapatang pantao ang ginagawa ng naturang mga grupo na nararapat lamang kondenahin. Bukod dito, ang CPP-NPA-NDF din umano ang dahilan kung bakit maraming mga lugar na mayroong potensyal sana na puntahan ng turista ang hindi na lamang napupuntahan dahil sa peligro na dulot ng mga ito.
“There are other places that are just beautiful that you can come and visit it, but because it is being infested by CPP-NPA-NDF terrorists here in the area, we cannot fully unleash its beauty, its capacity to become a tourism hub and we cannot improve economically because our human rights to live in peace is being impeded by the real terrorists,” dagdag pa ni Magno.
Samantala, bukod sa adbokasiya niyang ito ay isa ring supporter ng Pangulo si Magno. Gaya ng Pangulo ay mula rin sa Mindanao ang tanyag na vlogger.
Maliban sa pagkondena sa CPP-NPA-NDF, ipinagtatanggol din ni Magno ang tungkulin na ginagampanan ng mga militar at kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa. Ani pa nga nito,
“The real offenders and violators are those people who disturb the peace. The Army does not offend them, the army should take them [NPAs] out to maintain the peace in the areas where they are, [the] cancer and the problem…”
Source: PNA
Source: Kiat Media
0 Comments