Isa ang aktres na si Bianca Gonzalez sa mga agad na naglabas ng kanilang saloobin nang unang mapabalita ang tungkol sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera, isang flight attendant, sa Makati nitong unang araw ng taon.
Gaya ng marami ay ikinagalit din ng aktres ang unang spekulasyon ng PNP o ang lumabas na balitang ‘rape’ ang ikinamatay ni Dacera kung saan, itunuring pa ngang pangunahing suspek ang mga kasama nitong kaibigan ilang oras bago ito natagpuang walang buhay.
Dahil sa akusasyong ‘rape’ kaya labis ang pambabatikos na natanggap ng mga inakusahang suspek sa kaso mula sa social media hindi lamang galing sa mga netizen kundi pati na rin galing sa ilang mga kilalang personalidad.
Ngunit, sa patuloy na paglabas ng mga detalye sa kaso tulad na lamang ng paglabas ng resulta na hindi ‘rape’ ang ikinamatay ni Dacera kundi ‘ruptured aortic aneurysm’, unti-unting nasusuportahan ang iginigiit ng mga kaibigan ni Dacera, at inakusahang mga suspek, na wala silang kasalanan sa nangyari rito.
Mas tumaas na ngayon ang spekulasyon na inosente ang mga inakusahang suspek gaya na lamang ng iginigiit ng mga ito. Kaya naman, matapos lumabas ng ilang mga detalye na salungat sa isinasaad ng PNP na mayroong naganap na ‘rape’ kay Dacera, mas malakas na ngayon ang sigaw para sa paglabas ng kung ano talaga ang katotohanan sa pagpanaw nito.
Dahil naman dito kaya inihingi ng tawad ni Gonzalez ang kanyang mga naunang pahayag tungkol sa ‘rape’ na inakala din nitong tunay na dahilan ng pagpanaw ni Dacera. Ayon kay Gonzalez, nalito rin daw umano ito sa mga inilabas na impormasyon ng mga awtoridad kaya isa ito sa mga naglabas din ng akusasyon sa mga umano’y suspek.
“I am one of those who posted using the term "rape" and the hashtag justice because the authorities said it was rape. I feel ashamed but also so confused with the conflicting reports. The call for justice remains, but justice to find the truth for both Christine and the accused.
“My sympathies go out to Christine Dacera's family and friends, to everyone who might have been falsely accused in the news, what a nightmare this must be…
“I sincerely apologize for my tweet that added to the noise that it was "rape." Sana lumabas ang katotohanan,” paghingi pa ng tawad ng aktres tungkol dito.
Halu-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizen sa pagbawing ito ni Gonzalez ng kanyang naunang pahayag. Bagama’t marami ang nakaintindi at ikinatuwa pa ang pag-amin ni Gonzalez sa kanyang naging mali, mayroon ding iilan na binatikos ang aktres dahil sa agad daw nitong panghuhusga sa mga suspek.
Heto ang ilan sa mga pahayag na ito na ibinahagi ng mga netizen tungkol sa paghingi ng tawad ng aktres:
“Awww! What a responsible thing to do, thank you, Bianca. We are all confused and misled. Sana talaga lumabas na ang truth at magka peace of mind ng ang Dacera family. Para sa mga falsely accused, mahigpit na yakap!”
“Yes. I never expected that you would add to that noise even though you know that the autopsy report is still not out. #learnedlesson.”
Source: facebook
Source: Kiat Media
0 Comments