Bata pa lamang ay pagtulong na sa kapwa ang nais na gawin ng tanyag na doktor na si Doc. Willie Ong. Kaya naman, hindi kataka-taka na natupad nito ang nais niyang gawin at binansagan pa ngang ‘Doktor ng Bayan’ dahil sa kabutihan nito sa pagbibigay ng kanyang serbisyo ng libre.
Ngunit, sa isang programa ay minsang naibahagi ni Doc Willie na noong una ay tutol umano ang kanyang mga magulang sa kagustuhan nito na maging isang doktor.
Pagbabahagi pa ni Doc Willie, bilang anak na lalaki at bilang mayroong negosyo ang kanilang pamilya, inaasahan umano ng mga ito na may kinalaman sa pagnenegosyo ang kanyang kukunin na kurso sa kolehiyo.
Kaya naman, nang kumuha umano ito ng kursong medisina, nagkaroon sila ng alitan ng kanyang mga magulang na nauwi pa sa hindi nila pag-uusap. Ani pa nga nito tungkol dito,
“Nung bata pa ako, gusto ko lang talagang tumulong…
“Nung 17 years old ako, mayroon kaming time capsule sa high school. Sabi ko lang, gusto kong tumulong sa libo libong tao. Tapos ‘nung sinabi ng teacher, ‘pass your paper’, kinuha ko ‘yung papel nilagyan ko ng asterisk… sabi ko, ‘millions’ [ang nais kung tulungan]...
“Actually, siyempre, ‘nung bata ka ayaw nila. Mas gusto nila sa business diba kasi may negosyo na kami… tuloy-tuloy. Mabilis kumita sa negosyo… palakihin. Anak kang lalaki. Kasi walang doktor sa family namin, wala dito sa field na ‘to, eh.”
Kahit mahirap ang mag-aral ng medisina, wala umano itong masyadong naging problema maliban na lamang nga sa pag-aaway nila ng kanyang mga magulang.
“Sa pag-aaral, mentally, wala akong problema. Kaya ko silang maintindihan ng mabilis, eh. Pero emotionally, nag-away kami ng parents ko so hindi na kami nag-uusap,” saad pa nga ni Doc Willie.
Gayunpaman, napagtagumpayan pa rin nito ang kanyag pag-aaral at natapos niya ang mga kursong cardiology, public health, at internal medicine.
Kilala ngayon si Doc Willie bilang isa sa mga tanyag na doktor sa medya kasama na rin ng kanyang misis na si Dra. Liza. Sa kanilang mga social media accounts ay libre ang kanilang pagbibigay ng konsulta at payo sa publiko. Naging kolumnista rin ito sa dyaryo na paraan din nito upang makatulong sa marami.
Ngunit, ayon kay Doc Willie ay hindi niya umano intensyon noon na pumasok sa medya. Ngunit, nang minsan itong maimbitahan sa isang programa ay napagtanto nito na mas marami siyang maabot at matutulungan sa pamamagitan nito.
“Wala… hindi ko naisip ‘yun. Nag-guest lang ako sa isang show tapos nung pinanood ko, sabi ko… parang okay naman. Lahat ng mga tips ko and videos ko, ang secret ko lang diyan, 100% para sa audience. ‘Yun ang ginagawa kong style kasi kailangan mas direct, eh. Mas open para magtiwala ‘yung tao…
“Actually, hindi ko naman iniisip as media job, eh. Kasi parang gusto ko lang talaga siyang itulong. So sa pagsusulat, medyo mas direct akong magsulat kumpara sa iba. Lagi kong binabago ‘yung style na babagay sa akin para mas maka-connect sa tao,” ani pa nito.
Source: Kiat Media
0 Comments