Janella Salavador at Markus Paterson, Ipinakilala na sa Wakas ang Kanilang Baby

Madamdamin ang ginawang pagpapakilala nina Janella Salvador at Markus Paterson sa kanilang anak sa pamamagitan ng isang vlog na nagpapakita ng kanilang journey mula pa noong ipinagbubuntis pa lamang ni Janella si baby Jude Trevor Paterson.

Base sa kanilang vlog, nanganak si Janella noong October 20, 2020 sa United Kingdom. Ang vlog na ito nina Janella ay ginawa na animo’y isang sulat para sa kanilang anak. Saad pa rito ni Janella,

“Hey, Jude. As I compose this, I’m staring at your perfect little face with all the love I didn’t know I had. I’m feeling so many emotions… but mostly excited that we’re ready to finally introduce you to the world.”

Sa vlog ay mapapanood na Pebrero ng nakaraang taon nakumpirma nina Janella na magkakaanak na sila ni Markus. Tatlong buwan matapos nito ay nalaman naman ng dalawa na lalaki ang kanilang magiging panganay.

“I knew it! It’s a boy,” masayang ani pa rito ni Janella.

Buwan naman ng Setyembre nang lumipad sina Janella at Markus sa hometown ng huli sa England. Dito ay malayang nakakapaglakad-lakad si Janella sa paligid at ini-enjoy ang kanyang pagbubuntis.

Ibinahagi din ng dalawa sa vlog ang ilan sa mga personal na pangyayari bago at matapos na manganak ni Janella. Dito ay makikita ang unang paghawak ni Janella sa anak at unang pasilip nila kay baby Jude sa mundo.

“I was quite nervous about this day because I know how harsh the world can be. If your dad and I could have you all to ourselves forever in our own quiet little world, we would. But that would be selfish…


“You’re too precious to not be shared. The world deserves to see the precious smiles you give us; the ones that melt our hearts. The world deserves to see you grow into your own unique self. I can’t believe you’re mine,” madamdaming saad pa rito ni Janella.

Makikita din sa vlog ang mga unang mensahe ng pamilya at mga kaibigan nina Janella at Markus para kay baby Jude. Kabilang sa mga ito ay sina Kyle Echarri, Erich Gonzales at Maja Salvador na masayang masaya at excited na para makita ang panganay nina Janella.

“Jude, finally, I cannot wait to see you, hug you, kiss you, squeeze you, and bite your chubby chubby cheeks. Please don’t grow up too fast and I know that… you mean the world to your mom and dad. And that they love you so much,” mensahe pa nga rito ni Erich.

Ayon naman sa ina ni Janella na si Jenine Desiderio, isa man umanong surpresa ang pagdating sa kanila ni Jude ngunit, ito naman umano ay isang “one pleasant surprise!”




“To my son, my first born, my darling boy. There isn’t enough words to express how much I love you. The minute I saw you, I knew I would do anything in this world to protect you. And I can’t wait to introduce you to the world and hold you in my arms…

“You are loved forever and always by your mother and I. And I welcome you, Jude Trevor Paterson, to the world,” ang madamdaming mensahe naman ni Markus para sa anak. 

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments