Php100k, Pabuya sa Sinumang Makakahuli sa 8 Iba Pang Umano’y Suspek sa Pagp4tay kay Christine Dacera

Mayroon na umanong alok na pabuya para sa sinuman na makakahuli sa walong iba pang umano’y hinihinalang suspek sa pagkamatay ng Flight Attendant mula General Santos City na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati nitong unang araw ng Enero, 2021.

Ayon sa ibinahaging ulat ng Brigada News Davao, handang magbigay ng halagang Php100,000 bilang pabuya si ACT-CIS partylist Rep. Eric Yap para mahuli lamang umano ang walong iba pang itinuturong suspek sa pagpanaw ni Dacera.

Pawang mga kaibigan umano ni Dacera ang ilan sa mga nakasama nito sa hotel na nagdaos ng New Year’s Eve party. Tatlo sa mga itinuturong suspek na sina John Pascual Dela Serna III, 27, Rommel Daluro Galido, 29, at John Paul Reyes Halili, 25, ay sumuko na raw sa mga kapulisan.

Samantala, pinaghahanap pa umano ng mga awtoridad ang iba pang mga itinuturong suspek din na sina Gregorio Angelo de Guzman, Louie de Lima, Clark Jezreel Rapinan, Rey Englis, Mark Anthony Rosales, Jammyr Cunanan, Valentine Rosales, isang Ed Madrid, at isang nagngangalang Paul.

Si Dacera ay natagpuang wala nang buhay ng kanyang kaibigan sa bathtub ng isang hotel sa Makati nitong unang araw ng bagong taon. Mayroon umano itong mga pasa sa tuhod at binti at ayon pa sa ulat ng mga pulis, mayroon daw ‘presence of sperm’ na natuklasan kay Dacera. 

‘Aneurysm’ umano ang ikinamatay ng flight attendant ngunit, mayroon itong ‘lacerations and sperm in her genitalia.’ Kaya naman, nakasampa na umano sa 11 na hinihinalang suspek ang provisonal rape with homicide. Malakas ang hinala ng mga awtoridad na ni-rape ang biktima at set-up umano ang nangyari sa flight attendant.

Ang kasong ito ni Dacera ay agad na kumalat sa social media na naging dahilan ng galit ng mga netizen sa mga suspek na agad tinawag na mga ‘rapist’ at nakatanggap ng kaliwa’t kanang mga pambabatikos.

Hiling ng mga ito na makulong at magbayad ang umano’y mga suspek sa kanilang mga kasalanan at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Dacera.

Ngunit, kamakailan lang ay mayroong lumabas na mga pahayag mula sa ilang mga umano’y suspek na kaibigan ni Dacera. Nanindigan ang mga ito na wala silang kasalanan at umaasa na lalabas umano ang katotohanan sa isinasagawang imbestigasyon.

“The truth will set us all free… We will try to survive these harassments and fake news spreading kahit na halos di na namin kaya. Nagdadasal kami. God is our witness and you Tin,” ani pa nga ni Rey Englis, isa sa mga itinuturong suspek at kaibigan ni Dacera.

Kasabay din nito ay ang paglabas ng isang panig mula sa publiko tungkol sa paghingi ng linaw sa imbestigasyon, sa mga suspek, sa mga ebidensya, at sa proseso ng kapulisan. 

Ani ng mga ito, bagama’t nangingibabaw pa rin ang sigaw nila para sa hustisya sa pagkamatay ni Dacera, sana ay maging patas umano ang proseso o sistema sa pagkamit nito at hindi sa paraan na mayroong mga inosenteng mapaparusahan dahil sa maling akusasyon.

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments