Mga Netizens, Nanghinayang sa Relasyon Dati Nina Joem Bascon at Crisha Uy; “Mahirap labanan ang itinadhana.’

Bagama’t masaya ang publiko sa pagkakabalikan nina Meryll Soriano at Joem Bascon at sa kanilang pagkakaroon ng anak, hindi maiwasan ng maraming mga netizen na balikan ang naging relasyon dati ni Joem kay Crisha Uy.

Walong taon ang itinagal ng relasyon ni nina Crisha at Joem ngunit, nagtapos ito noong Disyembre 2019 matapos na ma-’fall out of love’ umano ang aktor kay Crisha base na rin sa huli. Naging bukas naman ang vlogger sa kanyang pinagdaanang sakit matapos ang hiwalayan nito sa aktor.

Kung matatandaan, pinag-usapan ng publiko ang emosyonal na vlog na ibinahagi ni Crisha dati tungkol sa paghihiwalay nila ni Joem. Dito, nasasaktan man ay tanggap ni Crisha na hindi nito mapipilit ang tao na mahalin pa rin siya.

“Hindi ko ni-regret na naging kami, iyong eight years namin kasi mahal ko naman siya… Mahirap sabihin pero wala na tayong magagawa if he fell out of love… Hindi ko naman puwedeng pilitin iyong taong hindi na ako mahal. Mahirap tanggapin pero kailangan,” saad pa dati ni Crishha.

Kaya naman, nang inanunsyo ni Meryll sa saktong bagong taon ang tungkol sa pagkakabalikan nila ni Joem at pagkakaroon nila ng anak, hindi naiwasan ng mga netizen na malungkot para kay Crisha.

“2021! May this year be kinder to all of us. May we all find peace, joy, and love,” saad pa ni Meryll sa kanyang Instagram post kasama si Joem at kanilang anak.

Bagama’t masaya naman ang mga ito sa relasyon nila ni Meryll at Joem lalo na’t kita ang saya ngayon ng mga ito, hindi nila maiwasan na balikan ang paghihiwalay noon nina Joem at Crisha. Nagpapakita lamang umano ito na mahirap kalabanin ang tadhana. 

Sina Meryll at Joem ay unang naging magkarelasyon noong nagkasama ang mga ito sa isang teleserye noong 2008 ngunit nagkahiwalay din kalaunan. Ikinasal naman si Meryll kay Bernard Palanca ngunit na annull ang kanilang kasal noong 2015.

Matapos ang mahigit isang dekada, muling nagkatrabaho sina Joem at Meryll noong 2019 sa pelikulang ‘Culion’. Enero naman ng 2020 nang unang kumalat ang balita na nagkabalikan ang mga ito.

Hindi umano maiwasan ng mga netizen na masaktan habang iniisip ang pinagdaanan ni Crisha nang maghiwalay ito at si Joem. Heto nga ang ilan sa magkahalong reaksyon na ibinahagi ng mga netizen tungkol dito: 

“Ang unfair lang. Joem took 8 fvckin precious years of Chrisha's life for him to realize that it was still Meryll. Painedtt!”

“Ang sakit lang tlaga after how many years ang ending hiwalayan. Mahirap kalaban ang tadhana. Kung hindi kayo para sa isa’t-isa, hindi talaga. Kahit lahat ginawa mo na at kahit lahat binigay mo na.”

“Imagine, mahal na mahal mo siya tapos siya di pa pala tapos magmahal ng iba. Tugmang tugma sa kanta ni Moira.”

“Mas unfair kay Crisha kung pinakasalan siya ni Joem tapos di naman pala siya ‘yung talagang mahal. ‘Pag kayo talaga para sa isa’t-isa, kahit ilang years kayong hndi nagkasama, gagawa talaga ng praan para magkita at magkasama kayo.”

Source: 


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments