Panggagah4sa at Pagkam4tay ng Flight Attendant Mula Gensan, Nahulaan Daw ni Rudy Baldwin!

Hustisya ngayon ang sigaw ng marami lalo na ang pamilya ng pumanaw na Flight Attendant mula General Santos City na hinihinalang ginasa ng nasa 11 suspek bago ito matagpuang walang buhay sa bathtub ng isang hotel sa Makati City nitong unang araw ng Enero.

Nagpaalam umano si Christine Dacera sa kanyang ina na dadalo sa isang New Year’s eve party kasama ang kanyang mga kaibigan at katrabaho sa City Grand Hotel sa Makati City kaya kampante lamang ito na walang mangyayaring masama sa anak.

Tumawag pa umano sa ina nito ang biktima ilang minuto matapos magpalit ng taon kaya hindi nito inaasahan ang bubungad ditong masamang balita kinaumagahan. 

Suspek ngayon sa krimen ang 11 tao na nakasama umano ni Dacera sa hotel. Natagpuan ito ng kanyang kaibigan na wala ng buhay sa bathtub ng tinutuluyang room sa hotel bago isugod sa ospital ngunit, hindi na ito naisalba pa.

Maliban sa mga pasa at galos sa tuhod at binti, hinihinala ngayon ng kapulisan na pinagsamantalahan din si Dacera matapos lumabas sa resulta ng paunang imbestigasyon na mayroon ding ‘presence of sperm’ na nakita sa biktima.

Kaya naman, kasong rape with homicide ang nakatakdang isampa sa mga hinihinalang suspek. Tatlo sa 11 suspek na ito ang nasa kamay na ng mga pulis habang walo pa ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad.

Kaugnay nito, kumakalat din ngayon sa social media ang isang Facebook post na minsang ibinahagi ng kilalang psychic na si Rudy Baldwin. Gaya ng mga dating pangyayari na nahulaan umano ni Baldwin, ang nangyaring umano’y panggagahasa at pagpanaw ni Dacera ay nakita na rin umano nito sa kanyang premonisyon.

Ilang araw bago ang bagong taon, isang ‘vision’ tungkol sa umano’y babae o kabataan na pagsasamantalahan sa selebrasyon ng bagong taon ang nakita nito. Ayon sa mga nagbahagi ng Facebook post ni Baldwin, tugma umano ang ‘vision’ na ito ng pychic sa nangyari kay Dacera na umano’y ginahasa matapos magdiwang ng bagong taon.

Heto ang nakasaad sa tinutukoy na vision umano ni Baldwin tungkol sa pagpatay at hinihinalang panggagahasa sa FA na si Dacera:

“Nakkita ko sa vision ko ang rape, ma-Luzon man, Visayas, at Mindanao, maging maingat lamang.

“May mga tao na sinamantala sa selebrasyon ng bagong taon kung saan, sa panahon at kasagsagan ng kasiyahan sa pagsalubong ng 2021 ay siya namang sinamantala ang panggagahasa sa kababaihan o kabataan… 

“Huwag kayong maging kampante sa lahat o magtiwala ng ganun-ganun na lang dahil sa vision ko, kung kayo ay hindi maging maingat ay mangyayari ang nakikita ko sa vision ko; ang rape at masawi ang isang biktima.”

Dahil dito kaya hindi naiwasan ng ilan na kilabutan muli dahil bago pa man mangyari ay nagkaroon na pala ng premonisyon si Baldwin at nag-iwan pa ito ng babala tungkol sa naturang pangyayari.

Samantala, umaasa ngayon ang marami na madakip na ang iba pang mga suspek sa karumal dumal na krimen at pagbayaran ng mga ito ang kanilang ginawang kasalanan. Hustisya ngayon ang sigaw ng marami na nais nilang makamit ni Dacera at ng pamilya nito.

Source: facebook


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments