Isang sikat na vlogger ang naging emosyonal sa social media matapos ang kanyang naging kwento tungkol sa kanyang personal na dinadala. Hindi mapigilang maiyak ng vlogger habang ibinabahagi ang kanyang sakit.
Si Caffey Namindang o mas kilala sa social media na “Makaganda” dahil sa kanyang mga YouTube videos ay labis na nalungkot at napaiyak dahil sa kanyang natuklasan na kanyang sakit.
Ayon sa vlogger, buong akala niya ang pananakit ng kanyang puson ay normal sy senyales lamang ng simpleng Urinary Tract Infection (UTI) kaya hindi na lamang niya binigyan ito ng eksaktong pansin ang sumasakt niyang puson.
Hindi aakalain ng aktres na maging ganun kalala ang kanyang simpleng pagsakit ng puson. Lumala umano ang pagsakit ng kanyang puson dahilan na isinugod na siya sa ospital.
Dito na napag alaman na nagkaroon na pala siya ng bato sa apdo at sinabi umano sa kanya g doktor na kinakailangan na siyang maoperahan sa lalong madaling panahon. Humiling umano si Caffey ng panalangin mula sa mga netizen dahil takot umano siya.
Bumuhos naman ang mga mensahe ng mga netizen para kay Caffey para mas lalo pang tatatag ang kanyang loob.
“Ate maraming nagmamahal sayo ang iba tahimik lng hindi nagcocoment pero deep inside naiiyak kami nalulungkot ahhhh!! Pagaling ka po atee we will pray for you basta kayanin mo ate marami kaming supporters mo iloveyou idang!”
“Kaya mo iyan ordinaryong operasyon lang dito iyan dito sa Italy. Simpling opera lang iyan.matutulog ka na naman hindi mo mararamdaman ang sakit na iyan.walang mangyayari sa iyo gagaling ka rin agad.”
“Praying for your successful operation and fast healing ateee,There is nothing impossible in God.Prayer will always be the Greatest armour.”
Si Caffey Namindang ay unang sumikat sa social media na kinilala ng marami sa kanyang screen name na “Makaganda” ang dating girlfriend ng vlogger na si Makagwapo o si Christian Merck Grey.
Naging kontrobersyal ang tambalan ng dalawa dahil sa nangyaring paghingi ng tulong ni Caffey sa programa ni Raffy Tulfo hinggil umano sa hindi magandang pakikitungo ng dating boyfriend nito sa kanya.
Matatandaang nagpahayag si Makagwapo, nagpahayag ng kanyang ‘rants’ sa isang episode sa kanyang YouTube video tungkol sa kanyang ex-girlfriend na sinasabing pina-pulis at pina-mayor daw siya dahil ibinulsa ang perang gagamitin sana nila sa Canada.
Makagwapo o kilala sa tunay na buhay na si Christian Merck Grey ay sikat na YouTuber at vlogger na naging viral ang isyu tungkol sa kanyang ex-girlfriend.
Sinabi ni Makagwapo na regular daw pumupunta ang kanyang ex-girlfriend sa barangay hall para magreklamo at nanghihingi ng pera sa kanya at pagkatapos sa barangay ay sa pulis naman at hindi pa rin nakuntento, pinuntahan din nito ang mayor.
Nilinaw naman ni Christian ang isyung ito. Ayon sa kanya, matagal na niyang ibinigay ang share na hinihingi ng kanyang ex-girlfriend at binura na rin niya ang YouTube videos nilang dalawa.
Dagdag ni Christian, inakusahan din siya ng harassment at defaming online ng kanyang ex-girlfriend sa isyung ang joint Canada funds nila ay siyang ginamit pangpa-renovate ng kanyang bahay.
Gusto ng kanyang ex-girlfriend na si Caffey Namindang o mas kilala na ‘Makaganda’ na magkaharap sila ni Christian Merck upang mapaghatian ang perang para sa Canada. Ngunit hindi sumulpot si Christian Merck.
Rason din ni Christian sa hindi pagpunta ay sinabi daw ng kanyang attorney na hindi kailangan pumunta kasi wala namang warrant of arrest. At maaari siyang kasuhan nito pag meron ng ebidensiyang iginiit laban sa kanya.
Sinopla din ni Christian ang pamilya ng kanyang ex-girlfriend sa pagtawag sa kanya na “kuba” sa social media at dinamay pa ang kanyang bagong girlfriend na si Pam Esguerra na laging tinatawag na retokada.
Kung ipagpatuloy pa ng kanyang ex-girlfriend ang harassment at defaming online, nagbitiw ng warning si Christian na hindi siya magdadalawang isip na mag-file ng case laban sa kanyang ex-girlfriend.
Source: Kiat Media
0 Comments