Sue Ramirez, Hindi Kailanman Naramdamang Siya ay Pangit Dahil sa Kanyang mga Tagasuporta

Hindi maikakaila na isa ang aktres na si Sue Ramirez sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz. Kahit pa man halos lahat ng mga nakapasok sa showbiz ay hindi matatawaran ang kagandahan, hindi maikakaila na lutang pa rin ang ganda ng aktres.

Kamakailan nga sa, bilang bagong endorser ng isang gawang-Pilipino na sabong pampaputi, sa isang virtual event nito noong ika-27 ng Mayo ay nagbahagi ang aktres tungkol sa pananaw nito sa kagandahan.

Para kay Sue Ramirez, dahil umano sa mga taong nakapalibot sa kanya na sumusuporta rito ay masasabi niyang hindi niya umano naranasan na hindi magustuhan ang kanyang pisikal na kagandahan o makaramdam na siya ay pangit.

“I have a strong support system. Everybody made me feel confident,” pagbabahagi pa nga ni Sue tungkol dito.

Isa umano sa makakatulong upang magkaroon ng kumpyansa ay ang tanggapin ng buo ang sarili. Hindi man ito madali para sa marami ngunit, kailangang malaman ng mga ito na sa lahat ng pagkakataon ay mayroon pa rin naman umanong masasabi ang mga tao sa paligid.

“I know it’s cliche to say, but beauty is in the eye of the beholder. You cannot please everybody…

“You are beautiful. Walang pangit sa mundo. Walang pangit na ginawa ang Diyos,” payo pa nga ni Sue para sa mga kapwa nito kababaihan.

Dagdag pa nga ni Sue, bukod kasi sa kagandahan na nakikita sa panlabas na anyo, ang tunay na kagandahan talaga ay nasa loob o nasa kalooban ng tao. Saad pa nito,

“Beauty is not a trait, it’s a feeling. It comes from within.”

Samantala, nagbigay din ito ng payo sa mga Pilipina tungkol naman sa pagpili ng tamang produkto na swak para sa kanila lalo na para sa kanilang mga kutis. Ayon kay Sue, dapat umanong malaman ng mga ito na hindi lahat ay pareho ng “skin type” kaya kailangan maging maingat anf mga Pilipina sa pagpili ng produkto na gagamitin.

“We have different skin types, you have to check. Filipino women should have more choices made available for them so they may find what works for them,” ani pa ulit nito.

Hindi rin maikakala ni Sue na kahit mayroon itong kumpyansa sa sarili, dahil sa kanyang trabaho kung saan mahalaga ang pag-aalaga sa sarili lalo na ang panlabas ay sineseryo rin nito ang pag-aalaga sa kutis. 

Bagama’t ani nito ay “my line of work can be so demanding”, para kay Sue ay sapat na raw para rito ang pag-aalaga sa kanyang sarili na “easier” naman, “less demanding”, at wala umanong gaanong “drama-drama.”

Samantala, maliban sa kagandahan ay marami rin ang humahanga kay Sue dahil sa galing nito sa pag-arte. Sa katunayan nga ay isang bagong proyekto na naman ang kanyang kinabibilangan. Malapit na itong muling mapanood sa telebisyon bilang isa sa mga pangunahing cast ng inaabangang TV drama na “The Broken Marriage Vow”.

Ang “The Broken Marriage Vow” ay ang Philippine Adaptation ng British drama na “Doctor Foster”. Bago magkaroon ng Philippine version nito ay nauna nang nagkaroon ng Korean adaptation ang drama na may pamagat namang “The World of the Married” na talaga namang pumatok hindi lamang sa South Korea kundi sa iba pang mga bansa gaya ng Pilipinas.

Source: INQUIRER

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments