Maraming mga netizen ang nag-alala ngayon sa kumakalat na post tungkol sa isang babae na na nag passed out dahil sa hindi nakayanang pagod at stress. Hindi halos maisip ng marami na pwede pala magkakaganito ang isang tao na nakakaranas ng sobrang stress.
Sa isang post ng babae sa Facebook, ibinahagi niya ang photo ng kanyang ate na nag passed out na dahil sa sobrang pagod at stress. Sabi niya, sobrang nataranta sila sa nangyari sa kanyang ate.
Ayon kay Arcelyn Lipalam, nanigas ang buong katawan ng kanyang ate at nang nangyari iyon, hindi nila halos maisip kung ano ang kanilang gagawin para maagapan agad ang kanyang ate.
“Sa mga naistress jan, please lang lubayan nyo na pag iisip. Sobrang taranta namin nag passed out na ate ko. Nanigas na buong katawan niya kaya akala ko ano na mangyayare sayo.” sabi ni Arcelyn Lipalam sa kanyang post.
Sabi pa ng babae sa kanyang post, hindi biro ang ma stress at lalong lalo na hindi nag iinarte ang isang tao na na-istress. Dagdag pa niya, nararapat lamg na kausapin dahil hindi pag iinarte ang mga ito.
Hindi biro ang maistress kaya hanggat maaari resolbahan nyu na kausapin nyo, hindi nag iinarte yan. Agapan agad.”
Aniya lalong lalo na sa mga taong mahihina ang loob kinakailangan na may masabihan sa mga problema. Hindi dapat sarilinin lamang ang problema. Kailangan ng isang tao na nakaranas ng ganito ng isang kausap.
Hindi biro ang ma ospital ngayon at lalong lalo na ang mga gastusin sa ospital sa kalagitnaan ng pandemya. Hangga’t pwede pang pag-usapan, kailangan na pag-usapan para mabigyan ng solusyon ang problema na hindi pa huli ang lahat.
“Lalo na sa mga mahihina ang loob. Mahirap mag pa ospital ngayon. Findings sa kanya #AnxietyDisorder umaatake pag sobra sa pag iisip ng problema.”
Sinabi naman ng babae na nagbahagi ng post na naagapan kaagad ang nangyari sa kanyang kapatid at buong pasasalamat niya sa Panginoon.
“Salamat sa Diyos at naagapan.”
Bumuhos naman ang mga pakikiramay ng mga netizen sa naging post ng babae at ilan sa mga komento nito ay nagpapakita umano ng parehong karanasan.
May isang babae ang nakakuha ng atensyon sa iba pang mga netizen na nagbigay ng kanilanng mga komento sa naturang post.
“You see my scars? 3 days ago, I committed suicide kase kinain na ako depression ko. Di ko alam para akong tinatawag ni satanas, daming tumatakbo sa isip ko, nagooverthink ako, walang nakakaintindi sakin pati sarili kong asawa na dapat naguunawa di ako maunawaan, kahit nanay ko di ako maintindihan, mga kaibigan ko puro busy. Wala akong ibang malapitan. Iyak ako ng iyak nandilim paningin ko di ko na alam pinag gagawa ko, binitay ko sarili ko. Nakita ako ng asawa ko. Sinagip nya ako. Nilapag sa upuan at iyak na naman ako ng iyak hanggang nanigas na katawan ko. Sobrang napakahirap. Hanggang ngayon, sobrang nahihirapan ako sa sitwasyon ko. Hindi po biro, sana malaman din ng iba kung gaano kahirap magkaroon ng mental health issue sa bawat tawa ko may nakatagong puot at sakit na hinding hindi maiintindihan ng iba,” komento ni Audrey Rose Bandija.
@Jhoy Libiran:Dahil din sa sobrang stress .. Hindi ako ng breakout pero nagkaron ako ng hypherthyroidism😩 much better tlga na wag sarilinin lahat ng problema wag mag isip ng sobra.. Minsan akala ng tao ok ka e pero deep inside bumibigay kana .. 😔
@Ann Pabon: Sobrang hirap labanan ang sariling isip 😞 khit anong comfort mo bubuhos at bubuhos luha mo ..Sabayan pa ng panghihina ng katawan hirap huminga manhid pa buong katawan minsan umaabot talaga na lulupaylay ka😞😞 kaya sa mga taong alam nyo mahina ang loob please lang bigyan nyo ng kompyansa at lakas ng loob wag nyo na sabayan
Marami na ang mga kumakalat na post ang kumakalat sa social media tungkol sa labis na stress at anxiety. Pinaalalahan ang lahat sa post na ito na alagaang mabuti ang sarili at huwag masyadong sarilihin ang problema.
Source: facebook
Source: Kiat Media
0 Comments