Sharon Cuneta, Umalma sa Isang Vlogger Dahil Gumagawa Ng 'Fake News' Patungkol sa Kanya Upang Kumita

Sa tagal na ni Megastar Sharon Cuneta sa industriya ng showbiz, hindi na bago para rito ang gawan ng isyu o ang magkaroon ng bashers. Gayunpaman, hindi pa rin pinalagpas ni Sharon ang mga YouTubers umano na pilit siyang ginagawan ng isyu.

Sa Instagram, naglabas ng saloobin si Sharon tungkol sa mga ito lalo na tungkol din sa pinakabagong isyu na ginawa tungkol sa kanya. Ginawan lang naman kasi ng isyu ng mga ito ang kanyang paglipad sa Amerika para magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon umano sa mga napapanood nitong balita sa YouTube, may ibang rason pa raw ang pagpunta roon ng Megastar na siya namang pinabulaanan nito. Ayon dito, matagal niya na raw napapansin na binabantayan ng mga YouTubers na ito ang kanyang mga IG at Facebook post tsaka ginagawan ng balita.

Wala naman daw sanang masama rito lalo na’t totoo ang kanilang isasaad ngunit, kadalasan ay pinagkakakitaan umano ng naturang mga vloggers ang paggawa ng isyu o balita tungkol sa kanya. 

Para lamang magkaroon ng maraming mga views, kadalasan ay mga kasinungalingan tungkol sa kanya ang ibinabalita ng mga YouTubers na ito. Ito naman ang ayaw na ayaw ng Megastar.

Halimbawa nga nito ay nang idamay kamakailan lang ng mga malisyosong vloggers na ito ang aktor na si Marco Gumabao na kasama raw ngayon ni Sharon sa Amerika. Si Marco ay ang bagong katambal ni Sharon sa bago nitong pelikula. 

“Hay nako pinagkakakitaan na naman ako sa YouTube. Puro kasinungalingan yan. Maganda ang dahilan ng pagpunta ko dito!” ang ani pa nga ni Sharon tungkol sa pinakabagong isyu na ginawa tungkol sa kanya.

Maliban dito ay mayroon pang isang isyu na sinasabi namang ang kanya umanong mister na si Kiko Pangilinan ang dahilan ng paglipad ni Sharon sa US. Ayon sa balita, nagkaroon daw umano kasi ng matinding away ang dalawa.

Sa kabila naman ng kabi-kabilang isyu na ito na ibinabato kay Sharon, palagi namang naka-depensa rito ang kanyang mga tagasuporta. Walang duda ang mga ito na walang katotohanan ang anumang negatibong isyu na pilit ibinabato kay Sharon. Ikanga nila ay “fake news” lamang ang naturang mga balita lalo ‘yung mga nasa YouTube.

Ika-11 ng Mayo noon nang ibahagi ni Sharon ang kanyang paglipad sa Estados Unidos. Sa isang Instagram post ay pansamantala itong namaalam sa kanyang pamilya na maiiwan sa Pilipinas. Nagbahagi rin ito ng ilang mga larawan kung saan, makikita itong emosyonal na namaalam muna sa kanyang asawa at mga anak bago umalis.

“I’m going home. Of course my real home, where my heart is, is where my husband and children are. But tonight I am flying home to my Mommy’s Gramps’ country, where only my eldest and I are legal residents…

“I need to breathe, collect myself, gain strength. Love you all and will miss you guys. Please pray for me,” ang ani pa nga rito ni Sharon.

Sa pinakabago naman nitong IG post, nagbigay ng update si Sharon sa pananatili niya sa US. Ayon dito, hindi lang daw basta bakasyon ang pinunta nito roon dahil nagtatrabaho pa rin doon si Sharon.

Source: INQUIRER

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments