Dating PBB Big Winner, Kumpirmadong Nagtatrabaho Ngayon Bilang Saleslady sa Japan

Kamakailan lang ay mayroong blind item na lumabas sa social media tungkol umano sa isang artista at Pinoy Big Brother Big Winner na ngayon ay nagtatrabaho sa Japan bilang isang saleslady.

Kasundo naman nito ay ang paglabas ng iba’t-ibang mga pangalan na inuugnay sa naturang blind item. Ngunit, maraming mga netizen ang nagkumpirma na ang tinutukoy umano rito ay ang PBB 737 Big Winner na si Miho Nishida.

Bago pumasok sa PBB ay nanirahan si Miho sa Japan kasama ang pamilya nito. Si Miho ay half Japanese at half Filipina kaya bihasa ito sa lenggwahe ng parehong bansa. Nang manalo sa nasabing reality show, nagkaroon ng karera sa showbiz si Miho gaya na lamang ng paglabas sa ilang mga programa at pagkakaroon ng kabi-kabilang endorsements.

Ngunit, gaya ng iba pang mga artista, apektado rin si Miho ng naganap na lockdown dulot ng pandemya na nagresulta nga sa pagkawala ng trabaho maging sa mga artista. Kaya naman, imbes na maghintay sa muling pagsigla ng industriya, mas pinili umano ni Miho na lumipad pabalik ng Japan at doon muling magtrabaho.


Ang pagiging saleslady umano ang pinasok na trabaho roon ni Miho na ikinagulat naman ng marami nitong mga tagasuporta. Ani ng ilan sa mga ito, hindi raw sila makapaniwala na ipinagpalit umano ni Miho ang pagiging artista sa naturang trabaho.

Gayunpaman, bagama’t marami ang nagulat sa balitang ito, mas marami naman ang ipinagtanggol si Miho at sinabing walang masama sa napili nitong trabaho. Marangal at maayos na trabaho ang pagiging isang saleslady. Isa pa, kumpara sa Pilipinas ay mas malaki ang sahod ng mga ito sa Japan kaya hindi rin nakapagtataka kung bakit ito ang napili ni Miho na maging trabaho.

Nilinaw din naman umano ng kampo ni Miho na babalik pa ito sa Pilipinas kapag maayos na ang lahat. Ngunit, habang hindi pa ay desisyon umano talaga ni Miho na magtrabaho muna sa Japan kaysa wala itong gawin sa Pilipinas.

“Babalik din naman siya. May inaayos lang kaming project at kapag sure na, babalikan niya ang pag-aartista. Pero nakakabilib nga si Miho dahil imbes na tumunganga sa condominium unit nila, talagang nagdesisyon siyang mag-saleslady muna sa Japan… 

“Ganyan naman si Miho, hindi namimili ng trabaho para may ikabuhay sila ng kanilang anak at nanay,” ang ani raw ng manager ni Miho tungkol dito.

Samantala, heto naman ang ilan sa mga ibinahaging reaksyon at komento ng mga netizen tungkol dito:

“Sa panahon ngayon, ang iisipin mo ay kung paano ang mabuhay sa gitna ng pandemya. Kaya kahanga-hanga ang mga taong ganyan. Saludo ako.”

“Buti nga siya may trabaho pa. Eh ‘yung iba, hirap na nga, tanggal pa.”

“Eh, ano naman kung saleslady sya? Atleast marangal ang work niya sa Japan. May mga artista din naman na nagwowork na ngayon bilang isang server or waiter… Meron silang ginagawa para sa ikabubuhay nila. Nakakaproud ‘yun kasi di naman sila kilala sa ibang bansa.”


“Big deal ba? Di naman ah? Ano naman kung isa siyang saleslady? Maayos naman ‘yun di ba? Ginagawang big deal kasi dating artista.. Talaga naman oh.”

Source: thedailysentry


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments