Online Seller, Aksidenteng Naipadala ang Larawan ni Cardo Dalisay sa Kanyang Customer

Viral ngayon sa social media ang isang post na aksidenteng naipadala ang larawan ni Coco Martin sa isang customer na nag inquire sana para sa kanilang product.

Batay sa nasabing post, nagtatanong sana kung tungkol sa kanilang item ang isang customer gamit ang Facebook messenger. Naging uso na rin ang ganitong sistema online para hindi na masyadong nahihirapan ang mga nagtitinda maging na rin ang mga customers.

Ngunit sa halip na larawan ng kanyang ibinebenta ay larawan ni Cardo Dalisay ng FPJ’s Ang Probinsyano ang kanyang naipadala.

Nagulat naman ang kanyang customer sa natanggap na larawan dahil hindi naman umano humihingi ang kanyang customer ng larawan ni Cardo Dalisay kundi ang kanilang item sana na ibinebenta.

Shout out sa mga partner nyong mahilig mag save ng mga ganitong pictures Delete2 din kasi minsan," ayon sa caption ng post. 

Nagulat naman daw ang customer sa pagkakamaling iyon ng seller. "Ma'am!!! Sorry!!! Sorry po talaga!! Katabi kasi sya sa sample," ayon sa chat ng seller. 

"Hahaha gulat naman ako kay Dalisay," sagot naman ng customer. 

Narito ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen tungkol sa nangyari sa nakitang post sa social media 

Baka naman buckeys... penge naman diyan ng Ang Probinsyano artisan set."

 "Pamela mag delete kana ng memes mo ikaw naaalala ko dito."

 "Eunice Pangilinan sana wag naman tayo umabot sa ganito."

 "baka mangyari to kay Fressia mahilig pa naman sya magsave ng pic ni cardo." 

"Yung seller ka tapos inatake ka ng kagaguhan." 

Mas marami ang natuwa nang nakita ang larawan na aksidenteng naisend niya sa kanyang customer dahil ang nakalabas umano ang dila ni Cardo Dalisay at parang nagagalit na gustong manakit sa nasabing larawan.

Ipinaliwanag naman ng seller na magkatabi ang sample ng item na hinihingi ng kanyang customer at ang larawan ni Cardo Dalisay kaya malaki talaga ang tiyansa na ang isesend niya ay ang photo ni Cardo Dalisay.

Sa kasagsagan ng pandemic, naging uso ang pagbebenta online at pagbili online dulot ng mga strict lockdowns at quarantine rules. Limitado ang paglabas ng bahay alinsunod sa mga safety protocols. 

Marami na rin ang pinatuloy ang pagnenegosyo ng online selling dahil ito na umano ang nagsilbi nilang kinukuhanan ng mga pang araw-araw na pantustos ng kanilang mga pangangailangan. 

May mga naibalita na rin na naging successful sa pagnenegosyo online. Isa na rito ay ang dalagita na sa edad na 22 ay nakamit na niya ang mahigit milyong savings sa kanyang bank account dahil lamang sa pagbebenta online. 

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments