Mainit init pa ngayon sa social media ang alitan sa pagitan ng dalawa na sina Jam Magno at Mystica dahil sa umanong prangkang pagsagot ni Mystica sa mga opinyon at impormasyon na ipinagkalat ni Jam Magno para kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.
Sa Youtube video naginawa ni Mystica dito niya ipinahayag lahat ng kanyang hinanakit at galit tungkol sa mga binitiwang salita para sa ating kandidata sa Miss Universe. Sinimulan niya ng kanyang video na nakuha daw ang kanyang atensyon sa kumakalat na mga videos ni Jam Magno.
Noong una hindi raw siya ganoong ka interesado sa isyu at mga balita tungkol sa Miss Universe ngunit nang patuloy siyang nag scroll scroll, nakita raw niya ang isang video na nakakapag ignite ng kanyang interes.
“As I was actually looking at some videos a while ago, I was trying to find if there was really interesting… But then here comes Jam Magno and Rabiya Mateo.”
Ayon sa video ni Mystica, sinabi niya na hindi niya raw ganung kakilala si Jam Magno pero hindi nito nagustuhan ng aktres ang kanyang pagatataray umano at pagkakalat ng anumang mga statements laban kay Rabiya.
“Well, all I can say is eh para ba itong si Jam Magno. I’m not really sure who the hell is this girl but it seems like siya yung nagmamaldi-maldita or whatever. She thinks that she is just perfect or a person who just can go there…”
Sinabi rin ni Mystica na sobrang babaw ni Jam Magno kung pagbabasehan lang daw ang facts at base lamang din sa kanyang nakita, narinig at naobserbahan. Nabanggit din niya na hindi talaga niya alam ang totoong laman ng utak ni Jam.
“Hindi talaga natin alam ang totoong utak nito... Ang babaw niya, diba? She probably thinks that she is that smart cause she can speak English really well…”
Sinabi niyang hindi sukatan ang kagaling sa pagsasalita ng Ingles sa dekalidad ng isang tao. Kinumbate niya ang pahayag na opinyon nito ni Jam Magno noong hindi siya siya sang-ayon sa opinyon ni Rabiya na may malaking kapangyarihan at karapatan ang mga kababaihan na pamunuan ang ating bansa.
“Sino bang tinatakot mo? Baka gusto mong pakitaan kita sa aking result sa personal assessment test na kung hindi pa raw ipinanganak ang apo ni Hitler, ako na raw yun.” Baka gusto mong isampal ko pa yun sa’yo eh.”
"Rabiya will not stoop down to your level. Kasi nga naman you're just a very tiny little piece of sh*t compared to her. And yet you're thinking na mas mataas ka na sa kanya? Ikaw kaya ang maging Miss Philippines? It takes guts, intelligence and strong determination na walang-wala ka! Akala mo kapag nakapag-English ka, 'yun na 'yon? P*nyeta!"
Naging topic din niya ang pagsupalpal niya sa ideya ni Jam Magno na hindi pwede ang babae na mag lead sa ating bansa. Sinabi ni Mystica na paano bag ang anak ng presidente na mismo ang mamuno sa ating bansa, kukuwestyonin ba niya ang kanyang saeiling anak.
Nilinaw naman niya na walang problema doon. Kung ang samabayanan ay naniniwala sa kanyang capabilities para i-lead ang isang bansa, mas mabuti kung ganun.
“So, ano ngayon Jam Magno ha? Sinasabi mong your argument is very weak.” Eh ikaw nga mismo invalid yung argument mo eh.”
Marami namang mga netizen ang sumang-ayon kay Mystica sa mga sinasabi nito laban kay Jam Magno.
“Bilog ang mundo, yung mga mahilig mangbash sa kapwa, makakahanap din kayo ng katapat nyo (kung pareho nyong may kiling)”
“Dito lang ako natuwa kay Mystica!! Go mumsh!! Support ka namin jan. Hehe”
“Hindi yan pwede maging miss u kasi maliit, at ska ang pangit, at ska bobo, baka murahin lang yung judges.”
“Magkita kayo harapan at magsabunutan at magsapakan para malaman sino matapang sa inyong dalawa kaysa hanggang social media lang walang challenge.”
“Yes that is very true what Mystica said papansin lang yon. Yong ginawa ni rabiya hinde mo magawa kaya huwag kang ganyan.”
Source: Kiat Media
0 Comments