Kwela at talaga namang nakakatawa ang vlog na ibinahagi kamakailan lang ni Empoy Marquez kung saan, nakasama nito ang kapwa artista at kaibigan nitong si Maja Salvador. Dito, nagkabukingan ang dalawa matapos nila sumabak sa larong “Never Have I Ever”.
Pagkukwento ni Maja, gusto raw kasi ni Empoy na maraming nagaganap sa YouTube channel nito. Kaya naman, habang naghihintay sa set at hindi pa nakasalang ang mga ito sa taping ng kanilang teleseryeng “Niña Niño” sa TV5 ay naisip ng mga ito na magfilm para sa vlog ng aktor at komedyante.
“Basta ‘yung 5% (kita) nito sa akin, ha? Siyempre! Dapat kung kumita ka…,” mapagbirong ani pa nga ni Maja sa kaibigan.
Dito, naghanda ng anim na taong ang bawat isa sa kanila na kailangan nilang sagutin ng “Never” o “I Have”. Dahil nga sa larong ito ay nagkabukingan ang dalawa gaya na lamang nang tanungin ni Maja si Empoy ng “Never have I ever na-jebs sa pantalon”.
Nakakatawang sagot naman ni Empoy dito, “I have, nu’ng high school pero alam mong nakasilip palang (sabay muwestra). Hindi pa bumuga.”
Samantala, inamin din ng aktres na minsan na rin itong naihi noong bata ito sa higaan naman. Paliwanag kasi ni Maja, masyado raw itong makulit o magalaw noong bata siya kaya nakakaihi ito sa higaan habang tulog.
“Noong bata ako, oo. Kasi nga, siyempre ‘yung energy ko walang katapusan ‘yun. So pag nakakatulog ako nu’ng bata ako, nakakaihi ako. Pero mga 11 (years old) na ako no’n,” kwento pa ni Maja.
Isa naman sa mga inamin dito ni Empoy ay tungkol sa artista na crush na crush umano nito dati. Tanong kasi sa kanya ni Maja, minsan na ba umanong na-inlove si Empoy sa katrabaho nito.
Sagot naman kay Maja ng komedyante, hindi pa raw nangyayari na na-inlove ito sa kanyang katrabaho ngunit, noong high school pa lamang ito ay crush na crush niya na ang aktres na si Kaye Abad.
“E, hindi pa. Tsaka may asawa na siya ngayon, taga-Tabing Ilog dati, si Kaye Abad… High school palang ako crush ko na talaga si Kaye Abad! Ngayon si Paul Jake (asawa ni Kaye) na,” sagot pa ni Empoy na may halong biro.
Pagkukwento naman ulit ni Maja, nang minsang nanood umano ito ng sine noong high school pa lamang siya, hindi niya raw alam na sinundan siya ng nanay nito sa sinehan. Ngunit, nang makita raw nito na babae naman lahat ng kanyang kasama, nagulat umano ang aktres nang magpaalam pa sa kanya ang nanay na nasa likod lang pala nila.
Dagdag kwento pa ng aktres, madalas din daw siya na maglakad noon pauwi sa bahay nila noong nag-aaral pa lamang siya dahil lagi niya raw nauubos sa pagkain ‘yung pera na pamasahe niya sana sa traysikel.
Pagbabahagi naman ni Empoy, hindi niya raw nasubukan dati na mag-MOMOL sa loob ng sinehan gaya ng mga kasama nito dahil ‘pag nanonood daw kasi siya ng pelikula ay gusto niyang nakatutuok talaga siya rito.
Isa rin sa inamin dito ni Maja ay ang madalas niya raw na pag-utot sa swimming pool. Paliwanag ni Maja, kaya raw ganun ay dahil acidic ang aktres. Bumubula umano ang swimming pool kaya madalas raw nagtataka rito ang kanyang boyfriend.
“O c’mon? That’s a trivia, si Maja Salvador umuutot (sa pool),” ang komento naman ni Empoy sa rebelasyon ng kaibigan.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Kiat Media
0 Comments