Ogie Diaz, May Rebelasyon Tungkol kay Gerald Anderson “Marami ang walang alam tungkol dito”

Isa sa mga pinaka kontrobersyal at naging trending na trending ang topic ay ang mga naging karelasyon ni Gerald Anderson. Naging mas mainit ang usapan matapos naging isyu ang pagtanggi ni Maja Salvador na maging leading lady ng aktor.

Sa isang vlog ni Ogie Diaz, naging topic niya naging topic niya ang mga celebrities at isa na rito ay ang sikat na aktor na si Gerald Anderson. Hindi man sinasabi ni Gerald sa publiko ang lahat lahat ng tungkol sa kanya ngunit parang may mas alam si Ogie Diaz kumpara sa iba na nakakilala kay Gerald.

Ibinahagi niya sa recent vlog ni Mama Og’s ang kanyang mga nalaman tungkol kay Gerald. Nabanggit ni Mama Og ang physical attributes ni Gerald na marami ang walang alam tungkol dito. 

Nitong mga araw lamang, ibinahagi ni Maja na tinanggihan niya ang offer na maging leading lady ni Gerald sa isang TV Series na “Init sa Magdamag” na ngayon ay kasalukuyang ginampanan ni Yam Concepcion. 

Ika ng aktres, tinanggihan niya ang offer na ito dahil ayaw niya ng gulo at baka nga raw maapektuhan pa ang kanilang relasyon ng kanyang recent boyfriend na si Rambo dahil matatandaang noong mga araw na naging kontrobersyal din ang relasyon ni Maja at Gerald.

Sa recent vlog ni Mama Og, dito niya ipinahayag ang kanyang mga opinyon at mga hinuha na kung meron mang mga scenes na romantic at daring, baka maalala ng dalawa ang kanilang dating pinagsamahan. 

Nabanggit din niya na si Gerald ang naging dahilan ng pagiging malabo ng pagkakaibigan ni Maja at Kim matapos ang kontrobersyal na hiwalayang Kim at Gerald na kasunod na naging girlfriend ng aktor ay si Maja Salvador. 

Sa puntong ito, nasabi ni Mama Og na iba talaga ang karisma ng aktor. Maraming mga naging isyu na naging trending dahil lang sa pagkakaroon ng relasyon ng aktor.

“Grabe ang kamandag mo Je,” sabi ni Ogie Diaz sa kanyang at pabiro pa niyang sinabi sa kanyang statement na si Gerald ay “daks.”

Kamakailan lang ay tumanggap si Gerald Anderson ng kabi-kabilang mga pambabatikos dahil sa kanyang mga dating relationships. Sa kanyang recent na interview ni Toni, ipinahayag niya ang kanyang pagkalungkot sa kung paano siya itrato ng mga tao.

Ayon kay Gerald, ang kanyang mga solid fans at supporters ay nakikita siyang perpekto ngunit para sa mga bashers niya, puro lang mali at frustrations ang hatid niya sa kanila. 

Ibinahagi rin dito ng aktor ang kanyang “biggest learnings” na ngayon ay nasa kasalukuyang yugto na siya ng kanyang career. Sinabi ng aktor na sobra ang kanyang mga natutunan at nag grow siya.

Dagdag pa niya, marami siyang natutunan sa kanyang mga failures kaysa sa kanyang tagumpay.

Si Gerald Randolph Opsima Anderson o mas kilala bilang Gerald Anderson ay isang Filipino-American actor na sumikat sa kanyang mga teleseryeng Sana Maulit Muli, Tayong Dalawa, My Girl at iba pa. 

Sa kasalukuyan, ibinahagi ng aktor sa publiko ang kanyang relasyon kay Julia Barretto at sabi ni Gerald na kakaibang ligaya ang bigay ni Julia sa kanya. 

Panoorin ang buong video dito!


Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments