Nag trending ang ating kandidata para sa Miss Universe na si Rabiya Mateo matapos aksidenteng nahulog sa swimming pool sa kanilang photoshoot sa paghahanda para sa prestihiyosong beauty pageant.
Base sa maikling post na video na ipinost sa Instagram ng training camp ni Rabiya na Aces & Queens, idinaan na lang sa tawa ng ating kandidata ang aksidente niyang pagkahulog kasama ang mga ilan pang Miss Universe candidates sa isang shoot sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Florida.
Kitang kita sa video, na suot pa niya ang kanyang OOTD na kulay pink habang nagpapaliwanag kung bakit siya aksidenteng nahulog sa swimming pool.
“A lot of things happened. First of all, I accidentally fell in the pool so i got half of my outfit wet. And then I almost lost my diamonds,” paliwanag ni Rabiya sa nangyari.
Ipinaliwanag din niya na maliban siya ay nahulog sa pool at nabasa, wala naman daw ibang nangyaring masama sa kanya.
“I just want to let you know that the diamonds are safe. You have nothing to to worry about. I just want to say thank you to Drake of Luna for letting me borrow his diamonds,” dagdag pa ni Rabiya.
Sa kasalukuyan, isa si Rabiya sa mga kandidata na paborito ng karamihan. Sa isang recent survey tungkol sa prestihiyosong beauty pageant, hindi mawawala ang ating kandidata sa mga top candidates na bet ng karamihan.
Talbog na talbog ang beauty ng ating kandidata hindi lang sa ating bansa kundi pati na rin sa mga iba pang lahi. Marami rin ang nagsasabi na malaki ang naging transformation ni Rabiya simula noong nanalo siya bilang Miss Universe Philippines.
Marami rin ang naging updated sa ginawang transformation ni Rabiya at masasabi talaga ng karamihan na desidido ang ating kandidata na iuwi ang pang limang korona.
Matatandaan sa kanyang mga previous interviews, ipinangako ng ating kandidata na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para lang maging proud ang ating mga kababayan at magbunga ang kanyang mga pagsisikap.
Nagdiwang ang Pilipinas nang nakuha ng ating dating kandidata sa Miss Universe na si Catriona Gray ang pang apat na korona sa ating bansa noong 2018. Sinundan ni Catriona ay sina Pia Wurtzbach noong 2015, Margie Moran noong 1973 at Gloria Diaz noong 1969.
Si Rabiya ang pinakaunang kandidata na ipapadala sa Miss Universe na pinamumunuan ni Miss Universe Philippines 3rd runner-up na si Shamcey Supsup.
Sa mga nakalipas na taon, hawak ang mga kandidata na ipapadala para sa Miss Universe ng Binibining Pilipinas Charities Inc. at ang local franchise ng Miss Universe.
Ngayong malapit na ang Miss Universe Philippines, marami ang naghatid ng mga mensahe at suporta para sa ating kandidata na si Rabiya Mateo.
Mapapanood ang 69th Miss Universe competition ngayong May 16 sa Florida (May 17 sa Pilipinas). Live itong mapapanood sa A2Z Channel 11.
Si Rabiya Mateo ay ay isang Indian-Filipino model na at beauty pageant titleholder na kinoronahan bilang Miss Universe Philippines noong 2020.
Source: pinoydaily
Source: Kiat Media
0 Comments