Isang "sana all" na istorya na naman ang pinagkakaguluhan ngayon sa social media matapos nag viral ang isang balut vendor na labis ang swerte na natanggap.
Sa panahong ito, mahirap na makakita ng mga tao na taos pusong tumutulong sa kanyang kapwa tao lalong lalo na't tayong lahat ay apektado sa nangyaring pandemya.
Marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho dulot ng pagsara ng mga establisyemento. Bunga nito, labis na naghirap ang mga tao para matustusan ang araw-araw nilang pangangailangan.
Ngunit, hindi pa rin talaga matitinag ang kabutihan ng isang tao. Kagaya na lang sa isang istorya tungkol sa isang balut vendor na na labis ang pagkagulat matapos may isang customer na nagbigay sa kanya ng napakagandang regalo.
Nagulat na lamang siya nang binigyan siya ng isang motorsiklo sa Jdp MCshop sa loob mismo ng Motorshop sa Rosario Cavite.
Binigyan siya ng motorsiklo para magamit niya sa araw-araw na pagtitinda ng balut sa gabi para matustusan mga pangangailangan ng kanyang pamilya. At ang motorsiklo ay isang paraan upang hindi na siya mahirapan pa sa paglalako ng kanyang mga balut.
Ayon sa report ng CAVITE CONNECT, ang pangalan ng lalaki na mismong nagbigay ng motorsiklo sa balut vendor sa loob ng Motorshop ay si Renz Marlon Gollaba Mateo.
Ayon dito, pinapunta umano nila ang balut vendor sa loob ng kanilang shop para bumili umano ng kanyang mga paninda na balut.
Dito na nagulat ang balut vendor dahil pagkatapos siga binati ni Renz ay hindi na mapapantayan ang kanyang saya nang sinabi ni Renz na bibigyan siya ng motorsiklo.
Ibinahagi rin ng balut vendor na walong taon na siyang nagtitinda ng balut na gamit lamang ang kanyang bisikleta sa paglalako.
Sinabi rin ng balut vendor na ang kanyang kita mula sa kanyang mga paninda ay ginagamit din niya para sa panggastos ng kanyang asawa na may sakit.
Kaya labis na lamang ang kanyang pagpapasalamat sa Jdp MCshop nang binigyan siya ng motorsiklo dahil sa umano'y laking tulong na ito para sa kanyang hanapbuhay.
Maliban sa binigyan siya ng motorsiklo, binigyan din siya ng pera para may pang gastos na rin sa kanilang mga pangangailangan at iba pang mga expenses.
Maraming mga netizen ang nagbigay ng kanilang mga komento dahil labis ang kanilang pagkaantig nang makita ang umanong post.
Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen:
"God bless you sir..sana madami pa kayo matutulungan."
"Wow sobrang bait naman tong team nato saludo po ako sainyo."
Ang balut vendor ay si Raymund Malondra.
Source: Kiat Media
0 Comments