Sobra-sobrang Pag-inom ng Alak, Ikinasawi ng Lalaking Ito

Hindi halos matanggap ng pamilya at mga kaibigan ng lalaking ito ang kanyang sinapit matapos na biglaan itong pumanaw dahil umano sa sobrang paglalasing o sobrang pag-inom ng alak.

Sa viral Facebook post na ibinahagi ng netizen na si Klent Ricablanca, wala nang buhay ang pinsan nitong si Fermin Ricablanca na biglaang binawian ng buhay dahil nga raw sa labis na pag-iinom.

Dahil sa sobrang pag-inom ng alak ay inatake sa puso ang biktima kaya hindi na ito nagising pa. Bagama’t cardiac arrest ang ikinamatay nito, ang sobrang pagpapakalunod sa alak ang pinaniniwalaan naman nilang dahilan kung bakit naging ganoon at inatake sa puso ang lalaki.

Hindi sinasadyang naiwan nito ang kanyang pamilya at anak na maliit pa lamang kaya ganoon na lamang ang pagdadalamhati ng mga ito sa pagpanaw ni Fermin.

Ani pa na ni Klent tungkol sa pagpanaw ng kanyang pinsan, mas matatanggap pa raw nila kung nagkaroon ng sakit si Fermin at ito ang kanyang ikinamatay. Masyadong masakit sa mga ito ang biglaang pagkawala sa kanila ng lalaki lalo na’t mayroon itong pamilya at anak na umaasa sa kanya.

Walang mapagsidlan ang sakit at pagdadalamhati na nadarama ngayon ng mga ito habang ipinagluluksa ang biglaang pagkamatay ng lalaki sa hindi makatarungang dahilan. Hindi na raw kasi kinaya ng katawan ni Fermin ang sobrang dami ng alkohol na nainom nito kaya hindi na ito nagising pa at nagtuloy-tuloy na sa pag-atake sa puso.

Labis ang panghihinayang ng mga ito na hindi raw makikita ng lalaki ang paglaki ng kanyang anak na 10 buwan pa lamang. 

Mas nagpahirap pa sa sitwasyon at emosyon ng mga ito ang pagpanaw rin kamakailan lang ng kanila umanong lola. Hindi pa nga raw nila natatanggap ang naturang pagpanaw ay muli na namang nagluluksa ang mga ito sa pagpanaw ni Fermin.

Kaya naman, ang nangyaring ito umano sa naturang lalaki ay magsilbi raw sanang aral o leksyon sa maraming iba pa na mahilig uminom at hindi kayang kontrolin ang kanilang sarili sa pagpapakalasing.

Ayon sa netizen, sana raw ay magsilbi itong babala sa iba na bawas-bawasan na ang pag-inom dahil hindi basta basta ang pwedeng mangyari sa mga ito kapag napabayaan. Maaaring kagaya nila ay mabigla na lang din umano ang kanilang mga mahal sa buhay dahil sa isang malungkot na balita.

Maawa raw sana ang mga ito sa kanilang pamilya, kaibigan, at iba pang mga mahal sa buhay na maiiwan kung sakaling hindi kayanin ng mga ito ang sobrang alkohol sa katawan. Upang makaiwas, mas mainam umano na kahit walang iniinda ay maghinay hinay na ang mga ito sa pag-inom. 

Samantala, agad naman na naging trending ang nakakalungkot na post na ito ni Klent at umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizen. Karamihan sa mga ito ay agad na nagpaabot ng kanilang pakikiramay para sa naulilang pamilya ng lalaki.


Dito ay ilang mga netizen din ang nagbigay ng babala sa kanilang mga pamilya na sumunod sa payo sa post kung ayaw ng mga ito na matulad sa nangyari sa lalaki. Habang maaga at kaya pa, bawas-bawasan na raw ng mga ito ang masyadong pagkahilig sa inuman.

Source: facebook

Source: Kiat Media

Post a Comment

0 Comments