Sa panahon na naging uso ang gadgets, marami sa atin ang naging tutok na sa paggamit ng mga social media accounts gaya ng Facebook, Twitter at Instagram.
Dito, natuto ang mga tao na mag upload ng mga videos at mga photos na agad namang kumalat online at naging viral na sa lahat ng mga social media platforms.
Ngunit ang paglaganap ng mga social media accounts ay siya rin palang dahilan ng pagsisimula ng mga di inaasahang pangyayari, mga hindi kanais nais na mga ganap na nakakasakit sa damdamin ng isang tao.
Sa kasalukuyan, usong uso na ngayon ang tinatawag natin na cyberbullying na kung saan ang isang tao ay nagbu-bully online. Kahit na may karapatan tayong magsalita o magbigay ng opinyon (freedom of speech) hindi dapat natin ito pasobrahan.
Kagaya na lamang ng nangyari sa isang netizen na matapos nagbigay ng kanyang komento na hindi naman kanais-nais sa isang aktor, agad niya nakuha ang atensyon ng aktor.
Ayon sa kanyang post, sinabi niyang dalawang bese na palang kinasal ang ama ni Luis Manzano na si Edu Manzano at bakla pala ang ama niya at sinabi pa nito na parehong beki ang mag-ama.
"Si Edu Manzano, dalawang beses kinasal pero beki pala, like father like son 'yon," comment ng lalaki.
Agad naman bumwelta si Luis Manzano, "kung galit ka sa mukha mo, huwag mo kami idamay."
"Buti pinalabas ka pa ng aquarium," dagdag pa ni Luis.
Ngunit agad naman daw ito binura ng netizen ang kanyang komento at napansin ito ng aktor.
Luis: "Psstt…. Nangdelete ka ng comment?"
Marami sa mga netizen ang nagbigay ng kanilang mga komento at pinakitak na hindi sila sang-ayon sa ganitong mga galawan.
Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen:
"Hinay kayo sa bash kasi maraming time ang artista ngayon kasi nga mahina na showbiz industry sa pinas😂 more on oppa na kasi."
"Buti nmn nasupalpal mo luiz dapat ganyan ginagawa sa mga bashers na malinilinis eh mukha ka pa nga bakla sa mag ama edu at luiz lakas manlait eh."
"Daming alam. Ang simple lang naman nyan. Wag manlait kung ayaw mong laitin din. Geh tsaa na kayo 🤣
"Yung mas bully pa yung na-bully mo. Kaya ingat din sa pag-comment kung ayaw mo mapahiya sa social media 😁😆"
Source: Kiat Media
0 Comments