May isa nanaman Namatay dahil sa AstraZeneca Vaccine, Sakit Mawalan ng Minamahal sa Buhay


In behalf of our family, magsasalita na kami. 


Nang dahil sa ASTRAZENICA VACCINE nawalan kami ng tatay 💔😭


Vaccine date: MAY 18,2021 

Died: JUNE 20, 2021


Ang tatay namin ay napakalakas, masigla at walang tanging sakit kundi ang kanyang gout. (Since eto ay lahi na nila). Never pa sya naospital or kahit confine dahil nga wala naman syang ibang sakit. 


May 18, 2021 nabakunahan ang aking magulang (Nanay at Tatay) ng first dose of Astrazenica. Since sila ay nsa A2 category (Senior Citizens) Ang inaakala nilang makakatulong sa kanila para lumakas ang kanilang immune system pra maiwasan ang mga sakit including covid-19 ay un pa pala ang magiging dahilan ng pagkawala ng aming tatay. 💔



May 21, 2021 una nakaramdam ang nanay ko ng kakaiba sa kanyang katawan. May conversation sila kuya ko at nanay ko na ininformed nya na nabakuhanan na sila ng tatay ko at may nararamdaman na syang kakaiba. Ilang araw lumipas, medyo nakarecover ang nanay ko na nagiging ok na sya, sumunod makaramdam ang tatay ko. Sobran pananakit ng ulo, everyday dinadaing nya ung pananakit ng ulo nya. Ayon sa manual na binigay sa kanila, nakalagay duon ang possible na magiging side effects ng bakuna kasama duon ang pananakit ng ulo at katawan. Habang lumilipas ang araw, hindi pa din nagbabago ang nararamdaman ng tatay ko. Kaya naisipan nyang magpacheck up a week simula nun makaramdam ng hindi maganda. 


During check up, ininformed ng tatay ko ang doctor na naturukan sya ng 1st dose of Astrazenica, at duon sya nagsimulang makaramdam ng kakaiba higit sa lahat ang pananakit ng matinding sakit ng ulo. Ang sinagot sa kanya ng doctor ay kahit naman daw sya at naturukan ay wala naman daw syang nararamdaman na kakaiba? So ang check up ng doctor nya sa tatay ko namamaga daw ang kanyang bato at dala daw ng init ng panahon ang pananakit ng kanyang ulo, tanging gamot sa gout lang ang nireseta sa kanya. 



Lumipas ang mga araw, tuloy tuloy lang ang pag inom ng tatay ng gamot na nireseta sa kanya, habang wala naman pinagbabago ang kanyang mga nararamdaman. Nasundan ito ng pabalik balik na lagnat, pananakit pa rin ng katawan at medyo hinahapo na sya. Nag suob (kulob) ang tatay ko, para sya ay pawisan. Pero ilang araw na ganun ay hindi pa din nagbabago at nagpatuloy ang mga nararamdaman nya. 


Fast forward:


June 14, 2021 nagsabi na ang tatay ko na nahihirapan na sya sa hapo (paghinga) kaya nagpadala na sya sa ospital. Dinala sya ng ate ko sa memorial hospital (public hospital) na malapit lang sa amin, ngunit dahil pandemic punuan ang ospital, pansamantala syang nilagyan ng oxygen para matulungan syang huminga at nirefer nila na dalhin ang tatay ko sa private hospital (western balayan) para duon masuri. 



Nuon din araw na iyon, nilipat ng ate ko ang tatay namin sa western balayan para agaran masuri. Aga naman syang inasikaso, nagsagawa ng ecg, laboratories at swabtest. (ecg / laboratories) lahat naman ay normal. Lumabas ang swabtest at ang resulta ay negative. Nagsagawa sila ng Xray para malaman at duon nakita na may phneumonia ang tatay at kelangan daw ulitin ang swabtest nya na lalabas ang result 2-3 days! Same day, june 14, 2021 agad inilipat ang tatay sa icu dahil sa pagbaba ng oxygen level nya. Ang sabi ng doctor may possible na covid + ang tatay dahil ang phneumonia daw ay hindi naman daw bumababa ang level ng oxygen. Lumabas ang result after 2 days at ang naging resulta ay positive covid-19 ang tatay ko. 


June 16,2021 nagreport ako sa RHU Nasugbu Batangas para sa kondisyon ng tatay ko, sinabi kong nagkaron ng side effects after nya mabakunahan at ininformed ko sila na nasa icu ang tatay. Ang sabi lang saken possible daw na nacovid ang tatay bago nabakunahan. Since magkakatabi daw dito samen ang may positive cases at maaring nadala ng hangin ang virus. Inexplained ko sa doctor na never naospital at never nagkasakit ng ganun ang tatay ko nagsimula lang talaga ito ng mabakunahan ng astrazenica. Pero pareho lang ang sinasabi ng doctor na nacovid ang tatay bago nabakunahan. 😓 


Same day, June 16,2021 may tumawag saken taga DOH at nalaman case ng tatay ko, gusto nila ilipat ang tatay konsa regional hospital kg batangas para dw hindi mabigat ang gastusan, since hindi kumpleto ang gamit duon including icu/oxygen hindi kami pumayag na ilipat dahil hindi pa sya stable at un ang mga pangunahin mga kelangan nya. 


June 18, 2021, lahat kami ay nagundergo sa swabtest. Nabahala kaming magkakapatid para sa nanay that time, kc sya ang lagi mong katabi matulog, nag aalaga sau nun may sakit ka, kasabay kumaen, minsan ung hindi mo nauubos eh ang nanay ang nakaen, minsan iisang baso pa gamit nyo. Khit wala syang nararamdaman nuon ay nag alala kami. Awa ng dyos alam kong hindi mo kami pinabayaan tatay, lahat kami ay negative. 🙏 🏻



Sa mga sumunond na araw, lumaban ang tatay ko sa kabila ng hirap na nararamdaman nya, (nakapag video pa ang ate ko at sinabi ng tatay ko na magpapalakas at uuwi sya ng buhay samen) 💔 ngunit sinabi ng doctor na maaring mag undergo ng hemoperfusion dialysis dahil sa pagtaas ng kanyang creatinine. Hanggang sa sumunod na araw, nagkaron ng magandang development ang tatay ko at sinabi ng doctor na maaring hindi na sya mag undergo ng dialysis kapag nagtuloy tuloy ang magandang pagbabago ng tatay. (Nakikipag kwentuhan na sya sa nurse, kaya na nya magside view na higa at naekis na din nya ang kangang binti). Hanggang sa sumunod na araw, naging mabilis ang pangyayari, June 19, 2021 bumaba taas na ung bp at oxygen level nya. Hanggang paulit ulit na ganun hanggang mag 11pm ng gabi. Kinausap ang ate ko ng doctor na kelangan daw intubation ng tatay dahil un lang ang last option na makakatulong sa kanya. 


June 20, 2021 at 2:30am tuluyan ng nilagyan ng intubation ang tatay dahil nahihirapan na sya huminga. Bumababa na din ang heartbeat nya. Tinapat na ang ate ko ng doctor na hindi na nya kakayanin pang mag undergo ng dialysis dahil lumalala na ang kondisyon nya. Masakit makita na lagyan sya ng tubo hanggang lalamunan pero kelangan. 💔 Kita ng ate ko ang hirap ng tatay namin sa ospital, lalo itong nanghina at nahirapan ng ma-intubation. 


Nuong araw din un, June 20, 2021 around 6am nagsabi pa ang tatay ko sa nurse na tawagin ang doctor dahil nahihirapan sya, agad na tinawag ang doctor, pinabili ang ate ko ng gamot (5 klase ng gamot) para daw magresponse ang tatay ko. Hanggang sa nagtuloy tuloy na syang nahirapan hindi na sya nagreresponse at tinanong ang ate ko ng doctor kung sakali ay kung gusto daw revive, sinabi ng ate kong gawin ang lahat para mabuhay ang tatay namin. 😭💔


June 20, 2021 around 6:50am, hindi na kinaya ng tatay namin lumaban. Binawian na sya ng buhay. 💔😭


Alam namin pinilit mong lumaban dahil gusto mo pang mabuhay tatay 😭 pero hindi na kinaya ng katawan mo dahil sa sobrang dami ng mga gamot nagkaroon ka na ng komplikasyon. Masakit isipin ng dahil sa inakala na makakatulong sa kalusugan mo at magpahaba pa ng buhay mo ay un pa pala ang magpapahamak sau. 


Hanggang ngaun ay hindi pa din namin matanggap na wala ka na tatay, umalis ka ng bahay para lang magpagamot pero un na pala ung huling araw na makikita ka namin ng buhay. Ni hindi ka man lang namin nasilayan, nakausap o napamisahan dahil kelangan sundin ang protocols na dretso libing kna. Ang nanay, nahihirapan tanggapin ang nangyari sau, dahil simulat simula talaga ayaw nya magpabakuna ikaw tong nagconvinced skanya para kamo lumakas at may panlaban kau sa sakit, pero hindi, mali pala! 💔


Kahit ang mga nakakakilala sau, mga kapitbahay hindi makapaniwala sa nangyari sayo tatay, dahil hindi ka naman talaga sakitin at never ever kapa naospital. First time mo nga magamit philhealth mo nitong nagka “covid” ka lang. 😭 


Kaya kami ng pamilya ko, hinding hindi na namin papayagan ang nanay namin magpa second dose! Nawalan na kami ng tatay kaya hindi na namin hahayaan maulit at maranansan ang sakit na dulot ng astrazenica!! 


Sana ma-alarma ang Department of Health tungkol dito. Hindi po deserved ng tatay ko ung ganun pagkamatay at kahit sino ay hindi deserved para gawing experiment! 


At para sa gobyerno, alam ko pong hirap ang pilipinas harapin ang pandemic, pero sana po ay tulungan nyo din ang mga taong nagkakasakit ng covid. Since nasa private hospital ang tatay ko dahil punuan ang mga ospital, halos daily kami hinihingan ng partial payment, which is 30-50k daily tapos ung gamot pa ng tatay ko is cash basis, kung ndi ka makakabili wala silang ibibigay na gamot sa pasyente. 


Sana bago kayo magbigay ng bakuna, siguraduhin nyong safe ito para sa lahat. Ang dami ko ngaun nababasa na pinatigil ang pag gamit ng Astrazenica dahil sa sobrang damit side effects including blood clot. Wag nyo hayaan may maulit ang ganitong pangyayari, wag nyo gawin experiment ang mga tao. Gamutin nyo, wag nyo bigyan ng sakit. 


Kaya marami ang nagkakasakit, kaya mas dumadami ang kaso dahil natatakot silang magpagamot dahil malaking isipin ang magiging gastos. 


Sana magtulungan, wag naten hayaan tumagal ang sistemang ganito. Dahil sa totoo lang, lahat ng tao gustong bumangon at labanan ang laban ng lahat para mapuksa at matapos na ang pandemic, dahil kung hindi, mas lulubog tayo mas hindi tayo makakabangon. 


Tatay, alam kong masaya kana dyan.😭 Hindi pa din talaga namin matanggap eh, pasensya kana ha! Bukod siguro sa mukha mo ang nakuha ko, pati ugaling karapatan pantao eh namana ko din sayo. 


Nakakapanibago ang bahay, wala na ung lagi ng galit umaga palang, ung lagi kong sinasaway kapag nagpapatulog ako kc ang lakas ng volume ng tv kapag nanunuod kana, wala ng sisingit sa cr, dahil pag gusto mo gumamit ng cr, kami ang mag adjust 😭 iisa nalang ang huhubuan ni totoy ng shorts sa lababo, si lola nalang. Wala ng kakulitan at kaasaran si totoy, wala ng kaagaw sa remote si totoy 😭 wala na ang tatay namin na kahit anong mangyari, ipaglalaban at ipagtatanggol kami kahit pa ikapahamak nya 💔😭


Bantayan mo kami, lalo na ang nanay ha. Wag kang mag alala, hindi namin sya pababayaan. Pahinga ka na at salamat sa lahat lahat. Oh dba ang daming tumulong sa gamutan mo, madami ang nagmamahal sayo. Mahal na mahal ka namin tatay ❤ miss na missss kana namin 😭💔 


Paalam tatay, hanggang sa muli 😭💔🙏🏻


#DOH

#DepartmentOfHealth 

#RaffyTulfoInAction

#GMANews



Source: Keulisyuna

Post a Comment

0 Comments